Bio
I-tap ang profile icon > i-tap ang pencil icon oI-edit ang Impormasyon > mag-scroll pababa saTungkol > i-tap ang puting kahon at magsimulang mag-type.
Media
Para maglagay ng larawan o video sa iyong profile, i-tap ang profile icon sa main screen > Maglagay ng Media.
Tandaan: Sa ngayon, ang video ay available lamang sa piling mga test market, ngunit gustung-gusto na naming ibahagi ito sa maraming pang miyembro.
Smart Photos
I-enable ang Smart Photos feature para matiyak na lagi kang patungo sa mga taong pinakamalamang na Ma-like. Napakasimple lang: Sinasalit-salit ng Tinder ang larawan na unang nakita ng iba kapag ipinapakita ka sa Tinder, tinatandaan ang tugon habang Nila-like ka ng iba, at muling isinasaayos ang mga larawan mo para unang maipakita ang mga pinakamaganda.
Para i-enable ang Smart Photos feature:
- I-tap ang profile icon
- I-tap ang pencil icon o Edit Info
- I-tap para mapunta ang Smart Photos slider sa kanan
Para ma-enable ang Smart Photos, kailangang may na-upload kang at least 3 profile photos.
Pangalan at Edad
Ang iyong pangalan at edad ay ang mga parte lang ng iyong profile na hindi mo mababago sa sandaling makalikha ka ng isang account.
Kung kailangan mong i-update ang isa o pareho, may opsyon ka na i-delete ang iyong account at magsimula sa umpisa. Sa pagde-delete ng iyong account, permanente nang mawawala ang iyong matches, mga message, mga biniling consumable (Super Likes, Boosts, atbp.) at iba pang impormasyon na may kaugnayan sa iyong account. Kung mayroon kang Tinder subscription, mababalik mo ito parati sa iyong bagong account sa pamamagitan ng pagsunod sa mga instruksyon na matatagpuan dito.
Para ma-delete ang iyong Tinder account, sundan ang mga hakbang sa ibaba:
- Buksan ang app o mag-sign in sa Tinder.com
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- I-tap ang Delete Account at i-confirm
Kasarian
I-tap ang profile icon > i-tap ang pencil icon o I-edit ang Impormasyon > mag-scroll pababa sa Kasarian. Mula dito, ikaw ay may opsyon na ipakita ang iyong kasarian sa iyong profile.
I-tap ang Higit pa para mag-type ng salita o prase na naglalarawan sa iyong gender identity. Maaari mo rin piliin na maipakita sa mga paghahanap na pinakamalapit na kumakatawan sa iyong identity.
Sexual Orientation
Para mag-edit o magdagdag ng impormasyon tungkol sa iyong sexual orientation sa Tinder, basta't i-edit ang iyong profile at mag-scroll pababa sa Orientation. Maaari kang pumili ng hanggang tatlong katawagan na sa palagay mo na pinakamainam na naglalarawan sa iyong sexual orientation. Mula doon, nasasa iyo kung gusto mong ipakita ang mga ito sa iyong profile o hindi.
Trabaho, Paaralan at Lungsod
I-tap ang profile icon > i-tap ang pencil icon o I-edit ang Impormasyon > mag-scroll pababa sa Kasalukuyang Trabaho, Paaralan, at/o Tirahan. Ang mga ito ay ganap na opsyonal lang, pero magdagdag ng mas maraming context sa iyong profile para sa mga posibleng match na makikita.