Para maprotektahan ang privacy at kaligtasan ng aming users, ang aming Community Guidelines ay hindi naga-allow ng social media handles sa inyong profile. Kung gusto mo pang mag-share ng ibang bagay tungkol sa iyong sarili, pwede mong i-connect ang iyong Instagram account sa Tinder profile mo nang hindi naka-display ang iyong Instagram handle.
Pag-connect ng Instagram sa Tinder
Para i-connect ang Instagram sa Tinder:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- I-tap ang iyong profile photo
- Mag-scroll pababa at piliin ang I-connect ang Instagram
- Mag-log in sa iyong Instagram account
Naka-connect ang Instagram sa Old Account
Maari mo lamang i-connect ang iyong Instagram account sa isang Tinder account sa isang pagkakataon. Kung ang Instagram mo ay naka-connect pa sa iyong lumang Tinder account, kinakailangan mong i-delete ang lumang account bago mo ito ma-connect sa iyong bagong account.
Sundan ang sumusunod na steps para i-delete ang iyong lumang account:
- Buksan ang Tinder
- Mag-sign in sa account na gusto mong tanggalin
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa at i-tap ang Delete Account
Note: Ang pag-delete ng account na ito ay nangangahulugan na permanenteng mawawala ang iyong matches, messages, consumable purchases (Super Likes, Boosts, etc.) at iba pang impormasyon na associated sa account na ito.