Ang Discovery ay parte ng app kung saan ka pwedeng makakita at makapag-swipe ng ibang user. Maaari mong i-off ang Discovery para hindi ka makita ng sinuman sa Discovery. Kahit na naka-off ang Discovery, maaari mo pa ring makita at maka-chat ang iyong mga ka-match.
Para BUKSAN o PATAYIN ang Discovery, i-tap ang profile icon sa taas ng main screen >Settings> Discovery.
Paalala: Ang maaapektuhan lang nang iyong pag-off ng Discovery ay ang appearance mo sa card stacks ng iba habang nag-sa-swipe sila. Maaari ka pa ring makita at i-like ng mga taong ni-like mo; ibig sabihin nito ay maaari ka pa ring magkaroon ng mga bagong match pagkatapos mong i-off ang Discovery.