Pag-update ng Iyong Discovery Preferences
Ang Discovery ay parte ng Tinder kung saan mo makikita ang profiles ng ibang members. Pwede mong i-adjust ang iyong search preferences at kontrolin kung sinong nakikita mo sa Discovery sa pamamagitan ng pag-edit ng iyong Discovery Settings.
Para i-edit ang iyong Discovery Settings:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa sa Discovery
I-update ang iyong sexual orientation, pati na rin ang edad at distansya ng ibang members na nakikita mo sa Tinder, at iba pa!
Pag-turn Off ng Discovery
Kapag na-turn off mo ang Discovery, ang iyong profile ay hindi maipapakita sa bagong members ng Tinder*, pero pwede mo pa ring makita at i-chat ang iyong matches.
Para i-turn on o off ang Discovery:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa sa Discovery
- Hanapin ang Show me on Tinder
*Note: Ang mga taong na-like mo na bago mo i-turn off ang Discovery ay maaari pa ring magkaroon ng opportunity na makita ang iyong profile at i-like ka pabalik; ibig sabihin nito, pwede ka pa ring magkaroon ng bagong matches kahit na-turn off mo na ang Discovery.