Paano i-hide ng pansamantala ang aking profile?
Ang Discovery ay parte ng app kung saan pwede kang mag-swipe ng ibang user. Maaari mo itong patayin para hindi ka makita ng sinuman sa Discovery. Kahit na nakapatay ang Discovery, maaari mo pa ring makita at maka-chat ang iyong mga ka-match.
Para BUKSAN o PATAYIN ang Discovery, i-tap ang profile icon sa taas ng main screen >Settings> Discovery.
Paalala: Maaari pa ring makita at i-like ng mga taong ni-like mo ang iyong profile; ibig sabihin nito ay maaari ka pa ring magkaroon ng mga match pagkatapos mong patayin ang Discovery.
Paano i-delete ang aking account?
Para sa iyong kaligtasan, kung gusto mong i-delete ang iyong account, kailangan mo itong gawin mismo sa app. Paalala lang na permanenteng mawawala ang iyong mga match, message, at iba pang impormasyong nauugnay sa iyong account.
- Kung dinelete mo ang app, kailangan mo itong i-download ulit.
- I-tap ang profile icon sa taas ng main screen
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa at piliin ang I-delete ang Account. May makikita kang message na nagsasabing "Successful ang pag-delete ng account."
Paki tandaan na kung mag-login ka ulit sa Tinder pagkatapos mong i-delete ang iyong account, kailangan mong gumawa ng bagong account.
Paalala: Hindi made-delete ang iyong account kapag dinelete mo ang Tinder app. Kung nag-subscribe ka sa Tinder Plus o Tinder Gold gamit ang iyong Apple ID o Google Play Store ID, hindi ma-ca-cancel ang iyong subscription kapag dinelete mo ang app at/o ang iyong account. Kung nag-subscribe ka sa Tinder for web (Tinder.com), automatic na ma-ca-cancel ang iyong subscription kapag dinelete mo ang iyong account.