Pwede kang mag-report ng kahit sino sa Tinder, may access ka man sa kanilang profile o wala. We highly encourage na i-report at i-block mo ang anumang suspicious users o behavior. Tingnan ang aming Community Guidelines, Terms of Use, at Safety Tips para sa karagdagang impormasyon.
Para mag-report ng user mula sa Discovery:
- Buksan ang kanyang profile.
- Mag-scroll pababa at piliin ang option na Report.
Para mag-report ng user na ka-match mo:
- Buksan ang message screen.
- I-tap ang shield o ellipses icon.
- Piliin ang option na Report.
Kung wala kang Tinder account o access sa kanyang profile:
Sumulat sa aming Support Team gamit itong contact form.