May bago akong numero ng telepono
Kung hindi ka makapag-sign in sa iyong account dahil nagbago na ang iyong numero ng telepono, gamitin ang account recovery para maka-access muli.
- Buksan ang Tinder app o bumisita sa Tinder.com
- I-tap ang Mag-log In
- Piliin ang opsyon na nagtatanong na Problema sa Pag-login?
- I-tap ang Mag-login Gamit ang Email
- Ilagay ang recovery email address na nauugnay sa iyong account at maghintay ng email na galing sa amin.
- Sa email, i-click ang magic link at i-verify ang iyong bagong numero ng telepono
Mula dito, magagawa mo nang mag-log in sa iyong Tinder account gamit ang iyong bagong numero!
Ang account recovery ay gagana lang kung ikaw ay may access sa email address na ginamit mo sa pag-sign up. Sa kadahinanan ng seguridad, kung hindi mo ma-access ang nasabing email address, hindi ka namin mabibigyan ng access sa account.
May nababasa akong error code o message
Ang mga hakbang sa pag-aayos (troubleshooting) na ito ay karaniwang nakakatulong sa mga isyu sa pag-login:
- Tiyakin na may koneksyon sa internet, o subukan na lumipat sa pagitan ng Wifi at mobile data para malaman kung ang problema ay may kaugnayan sa iyong koneksyon sa internet o wala.
- I-delete ang i-install muli ang app. HIndi lamang malalagay nito ang pinakabagong version ng Tinder, pero maaari rin nitong ma-refresh ang iyong karanasan sa paggamit ng app, na mapapaayos muli ang iyong paggamit ng app!
Gusto naming malaman kung magpatuloy pa ang problemang ito! Makipag-unayan at ilarawan ang iyong isyu nang detalyado hangga't maaari, para masuri namin ang mga bagay.