May bago akong phone number
Kung hindi ka makapag-sign in sa account mo dahil nagbago na ang iyong phone number, gamitin ang account recovery para maka-access ulit:
- Buksan ang Tinder app o pumunta sa Tinder.com
- I-tap ang Log In
- Piliin ang Trouble Logging In?
- Ilagay ang email address mo, para makapag-email kami ng link para sa pag-log in
- Buksan ang email at piliin ang Log In
- Ilagay at i-verify ang bagong phone number mo
Mula rito, maaari ka nang mag-log in sa Tinder account mo gamit ang iyong bagong number!
Note: Ang account recovery ay gagana lamang kapag may access ka sa email address na ginamit mo noong nag-sign up ka. For security purposes, kung hindi mo ma-access ang email address na ito, hindi kami maaaring magbigay ng access sa account.
White o orange screen sa login
Kapag binuksan mo ang Tinder app for Android at ang nakita mo ay blangko, white, o orange na screen na may Tinder logo, burahin at i-install ulit ang app. Masisiguro nitong nasa latest version ka ng Tinder, na may pinaka-recent na bug fixes.
Kung hindi ito gumana, sundin ang steps sa ibaba para maayos ang issue na ito:
- Buksan ang web browser sa Android device mo
- Puntahan ang Tinder.com at i-click ang Login
- Piliin ang Trouble Logging In?
- Ilagay ang email address mo, para makapag-email kami ng link para sa pag-log in
- Buksan ang email at i-click ang Log In—bubuksan nito ang Tinder app
- Sa app, i-verify ang phone number mo para makumpleto ang login process
Kapag naka-log in ka successfully, magagamit mo na ang Tinder app nang walang problema.
May nakikita akong error code o message
Ang troubleshooting tips na ito ay maaaring makatulong sa general login issues:
- I-check ang internet connection mo o subukang mag-switch sa Wi-Fi o mobile data
- Burahin at i-install ulit ang app, para magamit mo ang latest version ng Tinder
- Gamitin ang Tinder.com para mag-swipe sa web
Kailangan mo ba ng karagdagang tulong? Contact us at idetalye ang issue para matingnan namin ito. Kung may problema, gusto naming malaman ito!