May bago akong numero ng telepono
Kung hindi ka makapag-sign in sa iyong account dahil nagbago na ang iyong numero ng telepono, gamitin ang account recovery para maka-access muli.
- Buksan ang Tinder app o bumisita sa Tinder.com
- I-tap ang Log In
- Piliin ang Trouble Logging In?
- Ilagay ang iyong email address, para makapag-send kami ng link to log in sa email
- Buksan ang email mo at i-select ang Log In
- Ilagay at i-verify ang iyong bagong phone number
Mula dito, magagawa mo nang mag-log in sa iyong Tinder account gamit ang iyong bagong numero!
Note: Ang account recovery ay gagana lamang kapag may access ka sa email address na ginamit mo noong nag-sign up ka. For security purposes, kung hindi mo ma-access ang email address na 'yun, hindi kami makakapagbigay ng access sa account.
White o orange screen sa login
Kapag binuksan mo ang Tinder app for Android, kung ang nakita mo ay blangko, puti, o orange na screen na may Tinder logo, paki-delete ito at i-reinstall ang app. Masisigurado nito na ika'y nasa latest version ng Tinder, kasama ang lahat ng recent bug fixes.
Kung hindi ito gumana, sundin ang steps sa baba para maayos ang issue na ito:
- Buksan ang web browser sa iyong Android device
- I-visit ang Tinder.com at i-click ang Login
- Piliin ang Trouble Logging In?
- Ilagay ang iyong email address, para makapag-send kami ng link to log in sa email mo
- Buksan ang iyong email at i-click ang Log In—bubuksan nito ang Tinder app
- Sa app, i-verify ang iyong phone number para makumpleto ang login process
Kapag naka-log in ka successfully, magagamit mo ang Tinder app nang walang problema.
May nababasa akong error code o message
Itong mga troubleshooting tips ay makatutulong sa general login issues:
- I-check ang iyong internet connection o subukang mag-switch sa Wi-Fi o mobile data
- I-delete at i-reinstall ang app, para magamit mo ang latest version ng Tinder
- Gamitin ang Tinder.com para mag-swipe sa web
Kailangan mo ba ng karagdagang tulong? Contact us at idetalye ang issue para matingnan namin ito. Kung may problema, gusto naming malaman ito!