May dalawang paraan para mag-sign up sa Tinder: gamit ang Facebook o phone number. Paalala lang na kung nag-sign up ka gamit ang iyong Facebook at phone number, gagawa ka ng dalawang magkaibang account.
Siguraduhing nag-sign in ka sa Tinder gamit ang Facebook profile o phone number na una mong ginamit sa pag-sign up.
Kung nag-login ka sa Tinder gamit ang Facebook, tandaan na may 3 paraan para maka-connect sa Facebook sa iyong phone:
- Sa Facebook app
- Sa iyong phone settings
- Sa iyong mobile browser
Siguraduhing naka-logout ka sa anumang Facebook account na hindi mo nais gamitin.
- Sa iPhone: Mag-logout sa Facebook app, sa iOS settings, at sa (mga) web browser, at mag-login ulit sa Facebook gamit ang gusto mong account. Buksan ang Tinder app at i-tap ang Mag-login.
- Sa Android: Mag-logout sa Facebook app at mag-login in ulit gamit ang account na nais mong gamitin. Pumunta sa Settings ng iyong phone > Apps > Tinder > Data > Clear Data. Buksan ang Tinder at i-tap ang Mag-login.
- Sa Tinder for web (Tinder Online): Mag-logout sa Facebook.com at mag-login ulit gamit ang account na nais mong gamitin. Pumunta sa Tinder.com at i-tap ang Mag-login.