Kung may nakikita kang error message, maaaring pansamantala lang ito. Pakisubukan ulit sa ibang pagkakataon.
Bilang paalala, maaari mong i-delete ang iyong account sa app. Mag-sign in sa Tinder gamit ang Facebook account o phone number na nauugnay sa account na nais mong i-delete > i-tap ang profile icon sa taas ng main screen > Settings > Delete Account. Permanenteng mawawala ang iyong mga match, message, at iba pang impormasyong nauugnay sa iyong account.
Paki tandaan na kung mag-login ka ulit sa Tinder pagkatapos mong i-delete ang iyong account, gagawa kami ng panibagong account para sa iyo.
Paalala: Hindi made-delete ang iyong account kapag dinelete mo ang app.Kung nag-subscribe ka sa Tinder Plus o Tinder Gold gamit ang iyong Apple ID o Google Play Store ID, hindi ma-ca-cancel ang iyong subscription kapag dinelete mo ang iyong account. Kung nag-subscribe ka sa Tinder for web (Tinder.com), automatic na ma-ca-cancel ang iyong subscription kapag dinelete mo ang iyong account.