Una sa lahat, subukan na i-delete ang iyong account sa pamamagitan ng pag-sunod sa mga hakbang na ito:
- Buksan ang Tinder app o mag-sign in sa Tinder.com
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa at i-tap ang I-delete ang Account
Para sa karagdagang impormasyon sa pagde-delete ng account, tulad ng kung ano ang mangyayari kapag tinanggal mo ang iyong account, basahin ang artikulong ito.
Problemang technical
Kung makaharap ka sa isang tech na isyu o error na mensahe, tiyakin muli na may malakas kang koneksyon sa internet at subukan muli. Kung problema ito sa parte namin, marahil ay alam na namin ito — ang nais lang namin hilingin mula sa iyo ay manatiling kalmado at subukang tingnan ulit mamaya.
Mga isyu sa pag-login
Nagkaka-problema sa pag-sign in? Basahin ang artikulong ito para sa mga troubleshooting tip.