Ang subscriptions at memberships ay magre-renew automatically hanggang sa i-cancel mo ito. Ang pagbura ng Tinder app o ng iyong Tinder account ay hindi magca-cancel ng subscription o membership mo. Para i-cancel, sundin ang steps sa ibaba.
iOS
Nagsisimula ba sa MK ang iyong order number? Ibig sabihin nito, na-purchase mo ang subscription sa Tinder app for iOS and you're billed by Apple.
Para mag-cancel gamit ang iPhone mo:
- Buksan ang iPhone Settings mo
- I-tap ang pangalan mo, at i-tap ang Subscriptions pagkatapos
- Piliin ang subscription o membership na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel Subscription
Para sa karagdagang tulong o suporta sa cancellation, pumunta sa Apple Support.
Android
Nagsisimula ba sa GPA ang iyong order number?Ibig sabihin nito, na-purchase mo ang subscription sa Tinder app for Android and you're billed by the Google Play Store.
Para mag-cancel gamit ang Android phone mo:
- Buksan ang Google Play app
- I-tap ang profile icon sa top right corner
- I-tap ang Payments & subscriptions, at ang Subscriptions pagkatapos
- Piliin ang subscription na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel subscription
Nagkaroon ba ng problema? I-contact ang Google Play Support para sa karagdagang tulong.
Kung nag-purchase ka gamit ang direct credit card option sa Android o Paypal:
- Buksan ang Tinder app para sa Android
- I-tap ang profile icon
- Piliin ang Manage Payment Account
- Hanapin ang subscription o membership na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel Subscription o Membership
Tinder Online (Tinder.com)
Nagsisimula ba sa TNDR ang iyong order number? Ibig sabihin nito, nag-purchase ka sa Tinder.com, o sa Tinder app for Android gamit ang direct credit card payment option.
Para i-cancel ang iyong subscription:
- Pumunta sa Tinder.com at mag-sign in sa account mo
- I-tap ang profile icon
- Piliin ang Manage Payment Account
- Hanapin ang subscription o membership na gusto mong i-cancel
- I-tap ang Cancel Subscription o Membership
Nagkaroon ba ng technical problem? I-contact kami kasama ang mga detalye ng issue na nararanasan mo para matulungan ka namin.
General notes tungkol sa cancellation
Kapag na-cancel mo ang iyong subscription o membership, maaari mo itong gamitin sa natitirang araw na binayaran mo. Ang pag-cancel ay hindi nangangahulugan ng pag-refund sa subscription o membership payments, at ang previously paid fees ay hindi prorated base sa cancellation date mo. Kung higit sa isa ang subscription/membership mo, ang bawat isa nito ay may sariling renewal date at kailangang i-cancel separately.