Mahalaga sa amin ang kaligtasan mo. Kung ikaw o ang isang kakilala mo ay nasa kagyat na pisikal na panganib, kontakin ang inyong mga lokal na awtoridad sa lalong madaling panahon.
Para masimulan ang iyong report, gamitin ang Contact Us na button sa ilalim ng page na ito. Nais naming mailahad mo ang buong pangyayari in your own words, kung ika'y komportable. Magbigay ng detalye na iyong naaalala sa abot ng iyong makakaya at mag-upload ng anumang screenshots o photos na sa tingin mo'y relevant. Ang impormasyong ito'y makatutulong sa'min para tingnan ang problema on your behalf, as quickly as possible.
After Reporting Resources
Salamat sa paglalaan mo ng oras para ipaalam sa amin ang isyung ito—makakatulong ang iyong report para makapag-maintain ng safe space sa lahat. Sa Tinder, ang mga reports na nangyayari sa loob at labas ng aming platform ay siniseryoso namin at gusto naming makapagbigay ng resources na makatutulong sa'yo to heal from this:
- Bisitahin ang RAINN para sa mga sangguniang may kaugnayan sa sekswal na karahasan
- Kontakin ang Crisis Text Hotline o Black Emotional And Mental Health Collective kung nakakaranas ka ng isyu may kaugnayan sa kalusugan ng isip
- Tingnan ang Trevor Project kung miyembro ka ng LGBTQIA+ community kailangan mo ng tulong
- Kung nasa labas ka ng US, mag-click dito para sa karagdagang sanggunian sa maraming bansa kung saan ka nag-o-operate