Sa Passport, maaari mong palitan ang iyong location para makipag-match sa mga tao saan man sa buong mundo. Mag-search ayon sa city o mag-drop ng pin sa mapa at maaari ka nang magsimulang mag-swipe, match, at chat sa mga Tinder user sa lugar na nais mo. Mag-navigate mula sa iyong current location at sa mga bagong destination.
Kung nais mong palitan ang iyong location at mag-match sa ibang tao sa buong mundo, kailangan mong mag-subscribe sa Tinder Plus o Tinder Gold. Para mag-subscribe, i-tap ang profile icon sa taas ng main screen >Settings> Get Tinder Plus o Tinder Gold.
Kung naka-subscribe ka na at nais mong palitan ang iyong location, sundin ang mga sumusunod:
- I-tap ang profile icon sa taas ng main screen
- Piliin ang Settings
- I-tap ang Mag-swipe sa (sa Android) o Location (sa iOS)
- Piliin ang Mag-add ng bagong location
Maaari mong palitan ang iyong location hanggang sa gusto mo. Maaaring makita ang iyong profile ng mga user na ni-like mo gamit ang Passport hanggang isang araw matapos mong palitan ang iyong location.