Kung may active subscription ka sa Tinder Plus o Tinder Gold pero pinapag-subscribe ka pa rin ng app, siguraduhing latest version ng Tinder ang iyong ginagamit at sundin ang mga sumusunod para i-restore ang iyong binili.
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon sa taas ng main screen
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa at piliin ang I-restore ang Binili.
Paalala: Hindi mare-restore ng restore purchase ang mga lumang Tinder match at message. Kung gusto mong i-delete ang Tinder account mo at gumawa ng bago, permanenteng mawawala ang mga match, message, Boost o Super Like packages, at iba pang impormasyong konektado sa account mo.
Kung magkaproblema ka habang nire-restore ang iyong binili, pumunta rito para sa karagdagang impormasyon.