Upang magamit ang Tinder, kailangan mong bigyan ito ng access sa location ng iyong device.
Sa iPhone: pumunta sa iOS Settings > Tinder > Location
Sa Android: pumunta sa Settings ng iyong phone > Apps > Tinder > Permissions > Location
Sa Tinder Online (Tinder.com):maaaring magkaiba ang proseso depende sa browser at platform (desktop o mobile) na iyong gamit.
- Sa Chrome (desktop): Sa top right, i-click ang More (icon na may tatlong tuldok) > Settings > Advanced > Privacy & Security > Content Settings > Location. Dito ay maaari mong i-block o payagan ang website na magkaroon ng access sa iyong location.
- Sa Safari (desktop): I-click Safari sa taas ng iyong screen > Preferences > piliin ang Privacy tab > Website use of location services > siguraduhing naka-check ang “Prompt for each website once a day”. Bumalik sa Tinder.com at bigyan ng access ang Tinder sa iyong location.
- Sa Safari (iOS): Una, siguraduhing hindi ka naka private browsing mode dahil automatic na iba-block ng Safari ang location sa ganitong mode. Sunod ay pumunta sa iOS Settings > Privacy > Location Services > Safari at siguraduhing binigyan mo ang Safari ng access sa iyong location "While Using the App".
- Sa Firefox (desktop): Pumunta sa Tinder.com > i-tap ang information icon sa tabi ng website URL > Permissions > Location.