Pagbabahagi ng iyong most authentic self
Sa Tinder, dedicated kami sa paggawa at pagpapanatili ng isang ligtas at inclusive space para sa lahat. Patuloy kaming nage-explore ng mga bagong paraan para masiguradong ang experience mo sa aming platform ay hindi lamang positibo, pero empowering din. Ang pag-prioritize sa initiatives na sumusuporta sa authentic self-expression mo ay nasa core ng aming ginagawa.
Saan ka man kabilang sa gender at sexuality spectrum, welcome ka rito. Ginagawa na namin ang pagpapalawak sa aming gender identities at sexual orientation options, na makatutulong sa'yo para mailarawan ang sarili mo nang tama at may confidence.
Note: Nagte-test kami ng expanded selection ng gender at sexual orientation sa piling markets, kaya't ang experience ay maaaring maiba base sa location mo.
Bakit ito mahalaga
Kinikilala namin na ang identities ng ibang users ay complex at multifaceted, at importante na ang platform namin ay tumutulong na ipakita ang diversity na ito. Ang pag-share ng iyong kasarian at sexual orientation ay nakatutulong para masuportahan namin ang iyong kaligtasan, comfort, at inclusive representation. Tinutulungan din kami nito na matuto pa tungkol sa'yo at mag-recommend ng potential matches na ayon sa preferences mo.
Makikita lamang sa profile mo ang gender at sexual orientation kung pipiliin mong i-share ito. Gagawin namin ang aming makakaya para maalis ito agad para sa LGBTQIA+ users sa mga lugar na ang kanilang identities at expressions ay pinarurusahan o nakararanas ng stigma.
Pag-update sa gender o sexual orientation mo
Maaari mong i-update ang gender o sexual orientation mo anumang oras sa pamamagitan ng pagsunod sa steps na ito:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- I-tap ang pencil icon o ang Edit Profile
- Mag-scroll pababa sa 'Gender' o 'Sexual Orientation'
Gender updates: Pumili mula sa "Lalaki", "Babae", o "Beyond Binary". Ang karagdagang options ay maaaring makatulong para ma-identify mo nang husto ang iyong sarili. Pwede kang pumili ng maraming kasarian na ayon sa pagkakakilala mo sa iyong sarili. Kailangan mong pumili ng at least isa sa primary categories.
Sexual orientation updates: Pwede kang pumili kung paano mo gustong ipakilala ang iyong sexual orientation o hindi na ito sabihin- it's totally up to you! Hindi required ang parteng ito.
Pag-display ng iyong kasarian o sexual orientation
Habang ine-edit mo ang iyong profile, flexible kang galawin ang visibility ng gender at sexual orientation mo. Maaari mong piliin na i-display ang impormasyong ito sa ilalim ng pangalan mo, itago ito, o ipakita lamang ang ilang aspeto na komportable ka. Para makita ang itsura ng mga pinili mo, pwede mong i-preview ang iyong profile directly sa 'Edit Profile' screen. Itatago ang gender at sexual orientation preferences mo sa mga lugar na ang identity mo ay maaaring maparusahan para sa kaligtasan mo.
FAQs
Bakit "Beyond Binary" sa halip na "Nonbinary"?
Ginagamit namin ang "Beyond Binary" para i-represent inclusively ang mga taong tingin nila'y hindi sila kabilang sa tradisyonal na mga kategorya ng "Lalaki" o "Babae," kasama na ang mga may pagkakakilanlan na Gender Fluid, GNC, Intersex, at iba pa. Nirerespeto ng salitang ito ang unique experiences ng lahat dito sa Tinder.
Paano kung hindi ko makita ang aking gender o sexual orientation dito sa Tinder?
Patuloy na dumarami ang aming list of identities, at nagpapasalamat kami sa input ng inclusivity experts at sa feedback mula sa users katulad mo. Kung ang gender o sexual orientation mo ay hindi nakalista, gamitin ang 'Not listed' na option para ipaalam sa amin. Importante ang feedback mo sa aming patuloy na commitment sa inclusivity.
Note: Depende sa iyong lokasyon, ang kakayahang mag-report ng unlisted na option ay maaaring hindi available.
Ginagamit ba ang kasarian ko kung paano ako nahahanap ng iba dito sa Tinder?
Oo, kung paano mo ipakilala ang kasarian mo sa Tinder ay may epekto kung paano ka lumalabas sa searches ng iba. Pwede mo ring ma-kontrol kung sino ang nakikita mo sa Tinder sa pamamagitan ng pag-update ng Discovery Settings mo. Binibigyan ka nito ng kontrol kung kanino mo gustong makipag-connect dito sa Tinder.