Sa Tinder Matchmaker, pwede mong sabihan ang friends mo na mag-recommend ng profiles para sa'yo nang hindi nila dino-download ang app o kahit wala silang Tinder account.
Ask a friend to recommend profiles
Kung ika'y isang Tinder user at gusto mong mag-imbita ng kaibigan para maging Matchmaker mo, here's how it works:
- Invite a friend: Mag-generate ng unique link to share with a friend sa pamamagitan ng paggamit ng option kapag nag-expand ang profile na tinitingnan mo o sa pamamagitan ng pagpunta sa Tinder's Settings > Manage Matchmaker.
- I-share ang link: Pwede kang gumawa ng hanggang 15 unique links bawat araw at ito'y mage-expire pagkatapos ng 4 oras. Ang bawat kaibigan na bibigyan mo ng link ay makikita ang parehong profiles. Kung nag-imbita ka ng kaibigan mo habang may tinitingnan kang profile, makikita rin niya ito.
- Pagkatapos i-share ang link: Hindi mo makikita ang shared profiles na ito sa loob ng 4 oras. Pagkatapos, makikita mo kung ang profile ay recommended ng kaibigan mo, pero makikita mo lang ang pangalan nila kung ilalagay ito ng kaibigan mo.
Tandaan, hindi pwedeng mag-like o mag-nope ang kaibigan mo para sa'yo. Ang anumang swipe right action na gawin ng kaibigan mo sa isang profile ay lalabas bilang recommendation.
Pwede mong i-opt out ang profile mo sa Matchmaker experience, tapusin ang lahat ng active Matchmaker sessions o pag-imbita sa mga kaibigan mo para maging Matchmaker via Settings > Manage Matchmaker.
Note: At the moment, limitado lamang ang availability ng Tinder Matchmaker sa piling test markets. Hindi lahat ng nasa Tinder ay may access dito. Pero kahit sino (Tinder user man o hindi) ay pwedeng ma-experience ang Matchmaker kung makakatanggap sila ng imbitasyon.
Pag-recommend ng profiles para sa isang Tinder user
Kung naimbitahan kang maging Tinder Matchmaker, here's how it works:
- Access Tinder.com: I-tap ang link para pumunta sa Tinder Web. Tandaan na ang bawat unique link ay isang beses lang magagamit at nage-expire ito pagkatapos ng 4 oras. Pwede kang magpatuloy bilang non-Tinder user o pwede kang mag-sign in gamit ang iyong existing account (full Tinder account o account na ginawa mula sa Swipe Party).
- Simulan ang session: Pwede mong I-like o I-nope ang ilang profiles para sa kaibigan mo. Tandaan na ika'y nagre-recommend lang ng profiles kapag nag-swipe right ka, hindi ka nag-like ng profile para sa kaibigan mo.
- I-share ang pangalan mo (o hindi): Kung hindi ka naka-sign in, magkakaroon ka ng option na ilagay ang first name mo pagkatapos ng iyong first recommendation para alam ng kaibigan mo kung sino ang nagbigay ng recommendation. Kung ika'y naka-sign in sa Tinder account mo, makikita palagi ang first name mo.