Bagaman hindi kami naghahandog ng linya ng telepono para sa customer support, ang nakalaan naming team ay parating online para tulungan ka! Marami sa mga request na aming natatanggap ay likas na technical at mas madaling ipaliwanag sa pamamagitan ng kasulatan. Kontakin ang Tinder support sa pamamagitan ng aming help center, anumang oras.
Kaugnay nito, dapat mo rin malaman na maraming mga fake na numero ng customer support na naka-post sa iba't ibang mga website, na wala sa alinman sa mga ito ang may kaugnayan sa Tinder. Ang Tinder support ay parating available nang walang bayad. Hindi ka dapat kailanman magbayad para masagot ang iyong mga katanungan, para sa technical support o tulong sa mga ikinababahala sa seguridad. Hindi kailanman hihingin ng Tinder na remote na ma-konekta sa iyong computer para sa anumang request na may kaugnayan sa support.