Kapag nakita mo ang isa sa error messages na ito, ibig sabihin ay tinanggal o na-ban mula sa Tinder ang iyong account dahil sa paglabag mo sa aming Terms of Service o Community Guidelines. Importante sa amin ang kaligtasan ng aming mga user. Hindi ka na maaaring gumawa ng bagong Tinder profile gamit ang iyong Facebook account at/o phone number.
Tinder Plus at Tinder Gold subscribers:
- Kung nag-subscribe ka gamit ang iyong iPhone o Android device, kailangang ikaw mismo ang mag-cancel ng iyong subscription. Para alamin kung paano mag-cancel, bisitahin ang aming FAQ sa www.gotinder.com/faq.
- Kung nag-subscribe ka gamit ang Tinder.com, automatic nang na-cancel ang iyong subscription.
Basahin ang aming Terms of Service at Community Guidelines para sa karagdagang impormasyon.