Mag-apply sa Tinder U™/Uni
Ang Tinder U™ (o Tinder Uni sa UK) ay ang perfect feature para sa effortless na pakikipag-connect sa students sa university mo at sa nearby colleges. Ito'y ideal para sa mga bago at sa experienced users dahil mapapaganda nito ang Tinder experience mo sa pamamagitan ng pag-focus sa pagkilala mo sa 'yong kapwa students, para mag-expand ang 'yong social circle at makagawa ka ng unforgettable college memories.
Narito ang mga dapat mong malaman bago mag-apply:
- Para kanino ito? Ang Tinder U™ ay para sa current college students na may edad 18-24
- Email requirement: Kailangang may student email address ka (na nagtatapos sa .edu para sa US at .ac.uk para sa UK) para mag-sign up.
- Educational institutions: Kailangang naka-enroll ka sa piling 4-year, accredited, not-for-profit schools sa US at UK. Ang schools na ito ay kailangang nagsasagawa ng courses sa tradisyonal, face-to-face na learning format.
Kung may profile ka na at gusto mong mag-apply:
- Buksan ang Tinder at i-tap ang profile icon.
- Pumunta sa Edit Profile.
- Mag-scroll pababa sa School at ilagay ang impormasyon ng school mo.
- I-tap ang option na Mag-apply sa Tinder U™/Uni.
- Ilagay at i-verify ang iyong student email address.
Kung bago ka sa Tinder at gusto mong mag-enroll:
I-download lamang ang Tinder app sa iyong Android o iOS device o buksan ang tinder.com sa web at gumawa ng account.
Kung nagkaproblema ka habang naga-apply:
- Siguraduhing pasok ka sa eligibility criteria na aming nabanggit.
- I-double check ang student email address mo kung may typos o extra spaces.
- Gamitin ang tamang domain ng school (.edu para sa US o .ac.uk para sa UK).
- Kung napansin mong may error sa domain ng school mo, i-contact kami kasama ang tamang domain.
I-customize ang profile mo gamit ang Tinder U™
Kapag verified na sa Tinder U, maaari kang mag-personalize ng profile mo gamit ang details para makipag-connect pa sa iyong peers.
- Graduation year: Ipaalam sa kanila kung kailan ang graduation year mo.
- Major: I-share ang major mo para mag-spark ng conversations tungkol sa shared interests.
- Greek Life: Ilagay ang fraternity o sorority mo para makipag-connect sa kapwa Greeks.
- Clubs: I-highlight ang membership mo sa iba't ibang campus clubs at organizations.
School colors: Maglagay ng color strips sa profile mo para ipakita ang iyong school pride
(Please Note: ang feature na ito ay magiging available lamang sa users sa US).