Ang Emmy nominated na interactive series ay nagbabalik para sa season 2! Kami'y sobrang excited na ipakita sa inyo ang second installment ng Swipe Night na puno ng surprises sa likod ng bawat choice.
Ang Swipe Night series ay mayroong tatlong episodes simula November 7th at ire-release bawat linggo. Kinakailangan mong manood ng isang episode para makapunta sa susunod, kaya siguraduhing ika'y maka-keep up!
Ang kuwento ng Swipe Night ay isang first-person adventure kung saan sa mga susing kaganapan, ikaw ang magpapasya sa susunod na mangyayari. Higit pa sa kuwento ang ididikta ng iyong mga pipiliin; makakaapekto rin ito kung sino ang makaka-match mo sa sandaling matapos na ang epic journey. Hindi mo alam kung saan ka dadalhin ng pipiliin mo!
Paano ako makakasali?
Ang journey na ito'y magsisimula sa buong mundo ngayong November 7th. Ang Swipe Night experience ay mapapanood nang live, sa loob mismo ng app. Magse-send kami ng push notification para imbitahan kang sumama sa adventure na ito simula 6pm (local time) kung saan ang bawat episode ay magsisimula!
Paano ito gumagana?
Habang ang misteryo ng Swipe Night ay unti-unting nabubunyag, ika'y haharap sa moral dilemmas at praktikal na choices, sa loob lamang ng pitong segundo para mag-desisyon sa iyong next move. Sa bawat episode, pwede mong itong i-pause anumang oras sa pamamagitan ng pag-tap sa gitna ng screen, basta't ito'y hindi sa gitna ng isang story choice. Ang bawat episode ay aabutin lamang ng 5 minuto para ma-experience.
Pagkatapos ng bawat Swipe Night episode, idadagdag sa iyong profile ang mga mahahalagang pinili mo, na magpapakita kung aling mga desisyon ang ginawa mo o hindi mo ginawa sa iyong mga posibleng ka-match. Lahat itong bagong impormasyon ay makakagawa ng maraming bagay para sa post-adventure na pag-uusap. Kung mas gusto mong panatilihing pribado ang impormasyon na ito, magagawa mo ito sa pag-edit ng iyong profile.
Maaari ko bang baguhin ang aking story choices?
Kapag ika'y nahaharap sa isang story choice, may pitong segundo ka para magdesisyon. I-slide ang card mula Kaliwa papuntang Kanan para piliin ang choice na nasa kaliwa, at mula Kanan papuntang Kaliwa para piliin ang choice na nasa kanan.
Kapag nagawa mo na ang iyong choice, hindi na ito pwedeng baguhin at ang episodes ay hindi na rin pwedeng i-replay, kaya choose wisely!