Three years ago simula noong nagbago ang buong mundo. Binigyan tayo ng challenges ng Covid-19 na hindi natin inaasahan o nararanasan noon. So paano na? Ngayon, papunta na tayo sa "new normal". Anong ibig sabihin nito? Well, that's up to you.
Meeting Safely IRL
Ang kaligtasan ng bawat users ay napakahalaga sa'min. Gusto naming maging ligtas ka habang nakikipag-interact sa ibang tao dito sa Tinder at nakikipag-meet up sa ibang users nang personal. Pagdating sa kalusugan mo, tingin nami'y ang paggamit ng common sense ang pinakamagandang gawin. May sakit ka ba? 'Wag nang makipagkita sa ka-match mo. Nagkaroon ka ba ng contact sa taong may sakit? 'Wag nang makipagkita sa ka-match mo. Inaalala mo ba ang pagkakaroon ng close contact? Mag-date kayo sa labas, gaya ng pagpunta sa park o sa zoo. At the end of the day, gawin mo kung anong nakabubuti sa'yo at kung saan ka komportable — the right match will understand.
Alamin
Hinihikayat namin ang aming users na maging updated sa impormasyong galing sa World Health Organization (WHO). Para sa tuloy-tuloy na updates kung paano nagbibigay-aksyon ang Tinder sa panahong ito, i-visit ang aming Newsroom.