Ang minimum age requirement ng Tinder ay 18 years old. Kung ikaw ay isang Tinder user na nakatira sa Japan, kailangan mong i-verify ang edad mo at mapatunayang sumusunod ka sa requirement na ito, alinsunod sa local law.
STEP 1
Maghanda ng isa sa mga ID na ito:
STEP 2
Kuhanan ng photo ang ID na may full view
Para sa Japanese passport, driver’s license o health ID, siguraduhin na ang image ay hindi bahagyang nakatago, may putol na parte o hindi malinaw.
Para sa non-Japanese passport, siguraduhing isama ang buong double page kasama ang lahat ng sulok nito at ang pirma.
STEP 3
Pagkatapos ma-upload ang ID, asahang hindi na magtatagal ang buong proseso!
Pagkatapos i-review ang ID, makakatanggap ka ng notification sa app. Kung approved ang ID, pwede ka nang makipag-chat sa match mo.
Ang privacy ng aming users ang top priority namin
Kapag na-submit mo na ang ID mo, gagamitin lamang ito ng Tinder para i-verify ang iyong edad. Para sa quality assurance purposes, maaari naming panatilihin ang ID mo, o ang impormasyon tungkol sa iyong ID (gaya ng klase ng ID na ibinigay mo), nang hanggang 90 days matapos ang age verification. Pagkatapos ng oras na ito, papanatilihin lang namin ang resulta ng verification mo - kung na-verify mo successfully na 18 years old pataas ka, kailangan namin ng record nito para payagan kang makipag-chat sa matches mo.