Ang First Impressions ay isang premium feature na tumutulong sa'yo para mag-stand out ka from the crowd. Hinahayaan ka nitong kumilos nang maaga sa pamamagitan ng pag-send ng isang short message (140 characters o mas kaunti) sa isang taong nakapansin sa'yo bago kayo mag-match.
Mag-send ng First Impression
- Tignan ang potential matches sa Discovery
- Nakakita ka ba ng isang taong like mo? I-tap ang paper plane icon
- I-type ang iyong message
- I-tap ang send
Kung ang taong pinadalhan mo ng iyong First Impression ay ni-Like ka pabalik, magma-match kayo at pwede niyo nang ituloy ang conversation ninyo.
Ang Weekly First Impressions ay kasama sa Tinder Platinum™ subscriptions. Hindi ka pa ba isang Platinum member? No worries, pwede mong i-purchase ang First Impressions in packs.
Tandaan
Ang pag-send ng isang First Impression ay hindi nakasisigurong makikita ito ng nasabing user. Ang factors gaya ng Discovery settings o status ng age verification niya ay maaaring makaapekto sa message delivery.
Tandaan: Hindi maaaring ipadala ang First Impressions sa potential matches na hindi age-verified.