Ang Messaging before Matching ay isa sa aming premium features sa Tinder at isang magandang paraan para magpakita ng interest sa potential matches. Gamit ang feature na ito, pwede kang mag-send ng maikling message (140 characters or less) sa taong nakuha ang atensyon mo bago pa kayo mag-match. Sa paraang ito, maaari kang makipag-chat at gumawa ng move para mag-stand out sa mga taong gusto mo talaga.
Paano ito gamitin:
Para sa ibang users, ang classic Super Like feature ay available pa rin.
Para mag-attach ng message sa Super Like mo
- Maghanap ng potential matches sa Discovery.
- I-tap ang blue star icon
- Ilagay ang message mo, at siguraduhing mag-stand out ito.
Kapag nag-send ka ng Super Like, magiging priority ang profile mo sa taong binigyan mo nito. Kapag ni-Like ka rin nila, it's a match!
Para mag-send ng Super Like Nang Hindi Naglalagay ng Message:
1. I-tap ang blue star icon habang tinitignan mo ang profile ng isang member.
2. Kapag may lumabas na prompt para maglagay ka ng message, isara ang prompt.
3. Ituloy ang classic Super Like nang hindi naglalagay ng message.
Nagte-test din kami ng bagong feature na tinatawag na First Impressions.
Ang ibang Tinder Platinum™ subscribers ay maaaring magkaroon ng weekly First Impressions sa halip na Message before Matching sa kanilang subscription.
Hindi ka ba isang Platinum member? No worries—pwede itong bilhin ng ibang users in packs (kahit ang availability nito ay tine-test pa rin).
Para mag-send ng First Impression
- Tignan ang potential matches sa Discovery.
- See someone you like? I-tap ang plane icon.
- I-type ang message mo, keeping it short and sweet.
Kapag nag-send ka ng First Impression, may chance kang mag-stand out sa taong interesado ka talaga. Kapag nagustuhan nila ito at ni-Like ka pabalik, magma-match kayo at pwede niyo nang ituloy ang conversation niyo.
Tandaan
- Ang pag-send ng message bago makipag-match ay hindi nakasisigurong makikita nila ito. Ang factors gaya ng Discovery settings nila o status ng age verification ay maaaring makaapekto sa message delivery.
Hindi maaaring i-send ang First Impressions at Super Likes sa potential matches na hindi age-verified.