Ano ang third-party na pagbili?
Ang isang third-party na pagbili ay anumang pagbili ng mga produkto ng Tinder na nangyayari sa labas ng Tinder app o Tinder website (Tinder.com). Ang mga klaseng ito ng pagbili ay pinakakaraniwang mga subscription.
Paano ko kakanselahin ang aking third-party subscription?
Maaari mong kanselahin ang iyong third-party subscription sa pamamagitan ng pagsunod sa normal na paraan ng kanselasyon sa Tinder at/o sa direktang pagkansela sa third-party merchant kung saan ka nagbayad.
Paano ako makakakuha ng refund sa aking third-party na pagbili?
Humingi ng refund direkta sa third-party merchant kung saan ka bumili.
Ano ang mangyayari kung mayroon akong isang subscription sa third-party na pagbili at pagkatapos ay bibili ako ng upgraded subscription sa Tinder?
Kung bibili ka ng isang upgraded subscription sa Tinder (i.e. sa Tinder app o sa Tinder.com) habang kasalukuyan kang mayroong aktibong third-party subscription, matatapos kaagad ang iyong third-party subscription at magsisimula agad ang bago mong Tinder subscription.
Ano ang mangyayari kung mayroon akong Tinder subscription at pagkatapos ay bumili ako ng isang third-party subscription?
Kakailanganin mong kanselahin ang auto-renewal ng kasalukuyan mong subscription (kung hindi mo pa nagawa) at pagkatapos hintayin ito na mag-expire. Sa sandaling nag-expire ang subscription mo, mare-redeem mo na ang subscription na binili mo sa third-party.