Nawala ang lahat ng matches ko
Walang hintong pag-load ng matches
Hindi naglo-load ang photos ng matches ko.
Nawala ang isa o ilang matches
Kung nawala ang isa o ilan sa matches mo, maaaring tinapos na nila ang match o binura na ang kanilang Tinder account. Kung binura nila ang kanilang account at nagdesisyong bumalik sa Tinder, maaari mo silang makita ulit sa Discovery.
Nawala ang lahat ng matches ko
Maaaring pansamantala lamang ito, subukan ulit mamaya. Kung hindi mo pa rin makita ang sinuman sa matches mo, ang pinakamagandang gawin ay mag-log out at mag-log in ulit sa app:
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa at i-tap ang Logout
Walang mga bagong match
Hindi mahalaga kung sino ka o kung ano ang itsura mo — ang pagbuo ng isang connection ay nangangailangan ng oras at effort. Hindi ito palaging instant, hindi palaging tuloy-tuloy, at hindi ito palaging tungkol sa iyo. Maaaring kailangan mo lamang ng ilang tips para mapansin:
- I-update ang bio o photos mo para sa mabilisang profile refresh.
- I-on ang Smart Photos feature para masiguradong you're always leading gamit ang most Liked photo mo
- I-connect ang Insta at Spotify accounts mo sa iyong profile para may makita at marinig pa ang potential matches mo na tungkol sa'yo
Ang good news? Ilang sandali na lamang bago ka magkaroon ng connection with someone new!
Walang hintong pag-load ng matches
Kung hindi naglo-load nang ayos ang matches mo, may ilang troubleshooting steps na pwede mong subukan:
- Siguraduhing mayroon kang malakas na internet connection — subukang mag-switch sa Wi-Fi at mobile data para makita kung mayroong problema.
- Burahin at i-install ulit ang app. Hindi ka lamang bibigyan nito ng latest version ng Tinder, ngunit ire-refresh din ang app experience mo!
- Kung gamit mo ang Tinder app for iOS o Android, subukang gamitin ang Tinder.com instead.
Hindi naglo-load ang photos ng matches ko
Kung ang isa o iba pang photos ng matches mo ay hindi naglo-load, subukang mag-log out at mag-log in ulit.
- Buksan ang Tinder
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa at i-tap ang Logout
Makatutulong ang tips na ito, ngunit kung hindi, maaaring nakararanas kami ng technical difficulties at nagpapasalamat kami sa iyong pasensya habang inaayos namin ang issue.