Ang Top Picks ay isang premium feature, available para sa Tinder Gold at Platinum subscribers*, na ginawa para ma-highlight ang pinaka-swipe-worthy potential matches mo. Habang ang lahat ng users ay makakatanggap ng 1 free Top Pick bawat araw, makikita ng Tinder Gold at Platinum subscribers ang kanilang set ng Top Picks araw-araw.
Gamitin ang Gold o Platinum icon na apoy sa iyong Discovery screen upang tingnan ang iyong Top Picks.
- Mag-upgrade sa Tinder Gold o Platinum kung gusto mong mag-tap sa alinmang mga profile ng Top Picks mo, i-swipe ang mga ito, o padalhan sila ng Super Like — ngunit 'wag mong patagalin — pagkatapos ng 24 oras, magre-refresh ang Top Picks screen mo at magkakaroon ng mga bagong set ng profile.
- Gusto mo pa ng maraming Top Picks? Naisip na rin namin 'yan, at pwede kang bumili ng mas marami anytime 'pag ika'y isang Tinder Gold o Platinum subscriber.
- At tandaan, pwede mong gamitin ang iyong Passport feature para makita ang Top Picks mo mula sa buong mundo.
*Tandaan: Maaaring hindi available ang Top Picks sa ibang markets.
Bumili ako ng maraming Top Picks, pero nag-disappear ito.
Bilang isang Tinder Gold o Platinum subscriber, ang iyong daily Picks ay magre-refresh every 24 oras. Kung bumili ka ng karagdagang Picks, meron kang 24 oras para mag-view o mag-swipe sa kanila bago sila mawala.