Kapag banned ang account mo sa Tinder, makatatanggap ka ng email at makakakita ng notification kapag sinubukan mong mag-log in. Kapag banned ang account mo sa Tinder, hindi mo na maitutuloy ang paggamit ng Tinder o makakagawa ng bagong accounts.
Kung nag-subscribe ka gamit ang iPhone o Android device mo, kailangang ikaw mismo ang magkansela ng subscription mo. Makikita ang karagdagang impormasyon dito.
Bina-ban ang mga account kapag nakakatukoy kami ng mga paglabag sa aming Community Guidelines o Terms of Use. Kung naniniwala ka na ang pagkaka-ban sa account mo ay isang pagkakamali, maaari kang umapela sa Appeal Center. Para sa karagdagang gabay sa pagsusumite ng apela, mangyaring bisitahin ang artikulo na Pag-apela ng paglabag.