Kapag suspendido ang account mo sa Tinder, makatatanggap ka ng email at makakakita ng notification kapag sinubukan mong mag-log in. Kung suspendido ang account mo, makakabalik ka sa Tinder makalipas ang 6 na buwan.
Kung nag-subscribe ka gamit ang iPhone o Android device mo, kailangang ikaw mismo ang magkansela ng subskripsyon mo. Mahahanap ang karagdagang impormasyon dito.
Sinususpinde ang mga account kapag nakakatukoy kami ng mga paglabag sa aming Community Guidelines o Terms of Use. Kung naniniwala ka na mali ang aksyong ginawa sa account mo, maaari kang umapela sa Appeal Center. Mahahanap mo ang karagdagang impormasyon tungkol sa proseso ng pag-apela ng Tinder sa aming Help Center.