Ang minimum age requirement para sa Tinder ay 18 years old. Depende sa lugar mo, maaaring kailangan kang i-verify ang edad mo para patunayang 18 taong gulang ka na o higit pa at sumunod sa aming Terms of Use.
Paano ko ibi-verify ang aking edad?
- Buksan ang Tinder
- Para sa mga lugar na nangangailangan ng beripikasyon ng edad para sa chat: Pumunta sa iyong tala ng match at i-tap ang match (alin mang match); ihanda ang iyong ID at i-tap ang Beripikahin ang Edad Ko*
- Para sa lahat ng ibang kaso: Isang prompt ang lalabas sa screen; ihanda ang iyong ID at i-tap ang I-verify ang Aking Edad
*Tandaan: Ang World ID App verification ay idinagdag bilang verification option sa Japan at sa US. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, basahin ang article na ito.
Mare-redirect ka sa isang webpage, kung saan kailangan mong sundin ang instructions at mag-submit ng ID para makumpleto ang iyong age verification request. Magiging under review ka hanggang ma-verify ang ID mo, na inaabot nang ilang oras typically. Kapag na-review na ang ID mo, ipapaalam namin ito sa'yo at maaari mong tingnan ang results sa app.
Kailangan mo ba ng karagdagang tulong? Para sa step-by-step guide kung paano i-verify ang edad mo, puntahan ang article na ito.
Paalala para sa UK users: Makikita ang karagdagang impormasyon sa article na ito tungkol sa age assurance process sa region mo.
Anong uri ng mga ID ang suportado?
Ang mga sumusunod ay itinuturing na valid forms ng ID at tinatanggap para sa age verification:
- Driver's License
- Passport
Anong forms ng identification cards ang hindi suportado?
Ang mga sumusunod na uri ng identipikasyon ay madalas isinusumite, ngunit hindi tinatanggap sa proseso ng beripikasyon:
- Pension Book
- Resident Card
- Pansamantalang Driver's License
- ID Cards ng Estudyante
Gaano katagal ang beripikasyon ng edad?
Ang buong proseso ay dapat ilang oras lamang!
Gaano katagal pinapanatili ng Tinder ang impormasyon sa aking ID?
Ang privacy ng aming users ay top priority. Gagamitin ang ID mo para i-verify ang iyong edad. Pagkatapos ng verification, ang ID mo, o ang impormasyon tungkol sa iyong ID (gaya ng kung anong klaseng ID ang ipinasa mo) ay papanatilihin hanggang 90 days kung nasa Japan ka at 30 days naman para sa iba pang mga lugar. Pinapayagan kami nito na kumpirmahin ang initial verification, kung kinakailangan. Pagkatapos ng panahong ito, papanatilihin lang namin ang resulta ng verification.
Para sa iba pang impormasyon tungkol sa aming data practices, tingnan ang aming privacy policy.