Nag-aalok ang World App ng opsyong beripikasyon sa Android at iOS, na nagbibigay sa users ng isa pang alternatibo para sa pangangalaga ng privacy ng beripikasyon ng edad nang hindi ibinabahagi ang personal mong impormasyon online. Ginawa ng Tools for Humanity, ang lumikha ng World App, ang Orb at World ID para gawing mas simple at ligtas ang beripikasyon ng edad sa iba’t ibang online na platform. Magagamit ang paraan ng beripikasyon na ito sa mga piling lugar.
Pagkamit ng age verified
Kung naberipika mo na ang iyong edad sa pamamagitan ng World App o may umiiral na World ID ka, magagamit mo ang account mo para makumpleto ang proseso ng beripikasyon ng edad. Mangyaring piliin ang kaukulang opsyon at sundin ang mga panuto sa app para makumpleto ang prosesong ito.
Kung ito ang iyong unang pagkakataon na gamitin ang World App o beripikahin ang iyong edad sa pamamagitan ng World ID, mangyaring sundin ang mga panuto sa app kung paano kumpletuhin ang beripikasyon sa World App (kasama ang pagrerehistro sa World App). Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring bisitahin ang kanilang Help Center.
Mangyaring tandaan: Para sa mga user sa Japan, paki-puntahan itong artikulo na ito para sa karagdagang impormasyon tungkol sa beripikasyon ng edad sa rehiyon mo.
Humanness Badge at mga libreng Boost
Para makakuha ng Humanness Badge, kailangan mong kumpletuhin ang beripikasyon sa pamamagitan ng World ID Orb, na magagamit sa mga piling lokasyon. Pagkatapos, kapag naikonekta mo ang iyong Tinder account sa iyong World App, makakatanggap ka ng Humanness Badge sa profile mo. Isa itong karagdagang indikasyon na tunay ang mga user sa Tinder at nakakatulong sa pagbuo ng tiwala at pagiging awtentiko sa platform.
Bukod sa pagtanggap ng Humanness Badge, sa limitadong panahon, ang mga user na makakumpleto ng beripikasyon sa World ID orb at nag-link sa kanilang mga Tinder account ay makakatanggap din ng 5 libreng Boost.
Karagdagang support
Kung nakakaranas ka ng suliranin sa beripikasyon o sa pagtanggap ng mga Boost mo, mangyaring makipag-ugnayan sa amin!