Pag-unmatch
Kapag nag-unmatch ka ng isang tao, mawawala sila mula sa iyong match list at mawawala ka rin mula sa kanilang list. Ang pag-unmatch ay isang permanent action. Hindi ito malalaman ng taong na-unmatch mo, ngunit maaari niyang mapansin na wala ka sa kaniyang Matches.
Para mag-unmatch, sundin ang steps sa ibaba:
- Buksan ang inyong chat
- I-tap ang 3 dots sa kanang itaas na corner
- I-tap ang Unmatch.
Kung available sa region mo, maaari mo ring piliing i-Block ang profile habang ginagawa mo ang pag-unmatch. Ibig sabihin nito ay pareho niyo nang hindi makikita ang profile ng isa't isa. Para sa iba pang impormasyon tungkol sa Blocking, basahin ang Help Center article na ito.
Accidental Unmatching
May na-unmatch ka ba nang di sinasadya? It happens (oops!). Kapag nag-unmatch ka, pareho niyo nang hindi makikita ang isa't isa sa match lists niyo. Unfortunately, ang action na ito ay permanent at hindi na maaaring bawiin.