Palagi kaming natatanong tungkol sa algorithm ng Tinder®. How are recommended profiles ordered, at bakit ito nakaayos nang ganito? Is there a way to game the system para makakuha pa ng mas maraming matches? We are happy to share more details behind kung paano gumagana ang Tinder® algorithm:
Getting Matches
Ang pinaka-importanteng factor para mag-improve ang match potential ng aming users sa Tinder ay... sa paggamit ng app.
Priority namin ang potential matches who are active, and active at the same time. Ayaw naming sayangin ang oras ng tao sa pagpapakita ng profiles ng inactive users. Gusto naming magkaroon ng meaningful connections, conversations, at makapagkita IRL ang aming users - and there's nothing better than matching and striking up a conversation immediately. Ang paggamit ng Tinder app regularly ay nakatutulong sa users to be more front and center, see more profiles, and make more matches. Ito ang pinaka-importanteng parte ng aming algorithm — and it's totally in our users' control.
So, kapag ginagamit ng users ang Tinder app, it helps us pick better potential matches, too. It's Algorithm 101.
What Goes Into Matching
The Tinder app doesn’t ask for much from our users. Maliban sa current location at kasarian, it's just age, distance, at gender preferences to start. Isang key factor ang proximity; it's always fun meeting someone in the same neighborhood kaya kino-consider namin ang distance ng potential match sa current location ng user.
However, gusto rin naming masiguro na makikita ng aming users ang mga taong ka-vibe nila, kaya naglagay pa kami ng ilang bagay na dapat i-consider:
- Things users tell us - Tinder has and always will be an open-ended adventure. Para sa mga gustong mag-share, kino-consider din ng Tinder ang interests at lifestyle descriptions na nilalagay ng users sa kanilang profiles. Mahilig ka ba mag-hiking? Prefer someone who loves dogs? Pwedeng mag-focus ang users sa mga taong may interests in common.
- Similar Photos - Bukod sa paggamit ng sinasabi ng users sa'min, gumagamit din kami ng anonymized cues mula sa photos para makatulong sa pag-modify ng aming recommendations. Nagsu-suggest kami ng profiles na may similar photos sa mga taong na-like na ng users noon, at ipinapakita rin namin ang kanilang profiles sa iba pang taong nag-like ng users na may similar photos sa kanila. Halimbawa, kung Like ng users ang mga taong nage-enjoy sa labas, sa festivals, or just enjoying the beach, we'll take the hint.
- Likes at Nopes- Ang Likes at Nopes ay mga obvious na key pieces of insight sa mga tipo ng users. Patuloy naming ini-improve ang potential matches na nakikita ng users na naka-base sa kung gaano kadalas ang kanyang profile - at lahat ng profiles sa kanyang area - are Liked or Noped.
Pero marami rin kaming hindi kino-consider...
Hindi tina-track ng aming algorithm ang social status, religion, o ethnicity. Hindi kami naniniwala sa stereotypes. Kaya kung ang users namin ay nagce-celebrate ng Diwali Carnival, Eid Al-Fitr, o Pride, we think the party gets better when great people from all walks of life can get-together. Naka-design ang aming algorithm to be open and we love the results.
Tinder® offers the opportunity to meet people na wala sa usual friend o family environment. May reason kung bakit nagkaroon ng increase sa interracial marriages since the launching of Tinder. At may emojis kami para i-celebrate din ito.
Elo Score
A few years ago, ang idea ng "Elo score" ay isang hot topic sa users at sa media. At minsan, it still is. Here's the chika: Elo is old news sa Tinder. Ito'y isang outdated measure at ang aming cutting-edge technology no longer relies on it.
Today, we don't rely on Elo — meron kaming isang dynamic system that continuously factors in kung paano ka makipag-engage sa iba on Tinder through Likes, Nopes, and the things that are on users' profiles.