Ang pag-report sa Tinder ng hindi kaaya-ayang content o kaugalian ay importante sa pagkakaroon ng maayos at mas ligtas na dating experience. Natutulungan nito ang ating komunidad na matukoy at mapansin ang harmful actions para magkaroon ng environment kung saan ang users ay maaaring makabuo ng positive connections. Hinihikayat ka naming mag-report ng anumang kaugalian na sa tingin mo ay lumalabag sa aming Terms of Use o Community Guidelines.
Mag-report sa app o sa Tinder.com
Para sa users na nasa Discovery:
- Puntahan ang profile ng user
- I-tap ang 3 dots sa kanang itaas na corner
- I-tap ang Report
Para sa users na nasa match list mo:
- Puntahan ang profile ng taong gusto mong i-report
- I-tap ang 3 dots sa kanang itaas na corner ng chat
- I-tap ang Report
Maaari ka ring mag-report ng anumang content na nasa profile sa pamamagitan ng pag-tap sa 3 dots, at pagpili sa Report. Bukod dito, mayroong report button sa ilalim ng bawat profile na pinupuntahan mo, na parehong nasa Discovery at match list mo.
Sundin ang on-screen instructions para pumili ng rason ng pag-report at idagdag ang anumang detalyeng maaaring makatulong. Ang pagpili sa pinakaangkop na rason ay makasisigurong mapupunta ang iyong report sa tamang team, makatutulong sa aming intindihin ang sitwasyon at tumugon dito nang maayos. Ang pagbibigay ng eksaktong detalye at konteksto ay makatutulong sa amin para sagutin ang issue nang mabuti at gawin ang mga kinakailangang steps para maayos ito.
Mag-report gamit ang email
Para magpadala ng report gamit ang email, pumunta rito at ilagay ang sumusunod na info:
- Ang dahilan ng pag-report
- Ang eksaktong pangalan, edad, bio, at photos na makikita sa profile (pinakamainam ang screenshots)
- Ang location ng user, phone number o email address (kung alam mo ito)
Naiintindihan naming maaaring maging mahirap ang pag-report, kaya siniseryoso namin ang inyong concerns. Magbigay ka man ng kaunti o maraming impormasyon, hahawakan namin ito nang may pag-iingat at gagawin ang aming makakaya para suportahan ka.
Bilang isang friendly reminder, siguraduhing ang report mo ay makatotohanan. Ang pagbibigay ng mali o malisyosong reports ay makakasama sa iba at maaaring magresulta sa iyong pagka-ban.
Ang lahat ng reports ay itinuturing na confidential. Ang users ay maaaring makatanggap ng generic notification na ang report ay nagdulot ng pagre-review sa kanilang account, pero ang detalye ng nag-submit ng report o ang contents ng report ay hindi ibabahagi. Maaaring magkaroon ng exceptions sa hindi karaniwang pangyayari kung saan ito'y required by law.