Problema sa paraan ng pagbabayad
Kung nagkakaproblema ka sa iyong payment method, bisitahin ang page na ito para sa higit pang impormasyon.
“Nabigo ang pagbili” na mensaheng error (iOS)
Kung may nakikita kang error na nagsasabing “Nabigo ang Pagbili,” nangangahulugan ito na ang iyong Apple ID ay kaugnay na ng aktibong subscription sa ibang Tinder account. Maaari lang iugnay ang bawat Apple ID sa isang Tinder account at isang subscription sa bawat pagkakataon.
Bago ka bumili ng Tinder subscription sa bago mong account, dapat mo munang burahin ang dati. Ang pag-delete ng iyong account ay permanenteng magde-delete sa iyong mga match, mensahe at iba pang impormasyon na konektado sa account.
- Mag-sign in sa Tinder account na gusto mong tanggalin
- I-tap ang profile icon
- Pumunta sa Settings
- Mag-scroll pababa at piliin ang Tanggalin ang Account
May problema pa ba?
Nagkakaproblema ka man sa pagbili sa app o sa Tinder.com, gusto naming malaman ang tungkol dito. Mangyaring sulatan kami sa pamamagitan ng screenshot o mga detalye tungkol sa isyu upang matingnan ito ng aming team.