Ang Match Group brands, kasama ang Tinder, ay sumailalim sa ilang hakbang ng pag-shut down ng kanilang serbisyo sa Russia. Dahil dito, ang access sa Tinder sa Russia ay natapos na noong June 30, 2023.
Anong nangyari sa aking Tinder account?
Simula noong June 30, kung ika'y taga-Russia ay hindi mo na magagamit ang Tinder services o mag sign in sa account mo. Kung gusto mong tanggalin ang iyong account, pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng Manage My Account tool. As always, i-contact kami kung mayroon mang issues.
Anong nangyari sa aking Tinder purchases?
Habang nasa Russia, ang Tinder users ay hindi na magagamit ang kanilang subscriptions (gaya ng Tinder Gold) o consumables (gaya ng Super Likes at Boosts) as of June 30.
Kung nag-purchase ka ng isang 6 o 12-month subscription na extended pagkatapos ng June 30, 2023, hindi ito automatic na mare-renew, at pwede kang mag-request ng refund sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions sa article na ito.
Kung mayroon kang unused consumables, pwede kang mag-request ng refund sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions sa article na ito.