Ang Match Group brands, kasama ang Tinder, ay gumawa ng hakbang para i-shut down ang kanilang services sa Belarus. Dahil dito, ang access sa Tinder sa Belarus ay natapos noong February 15, 2024.
Anong nangyari sa aking Tinder account?
Simula February 15, kung ika'y nasa Belarus ay hindi mo na magagamit ang Tinder services o hindi ka na makakapag-sign in sa account mo. Kung gusto mong tanggalin ang iyong account, pwede mo itong gawin sa pamamagitan ng Manage My Account tool. As always, i-contact kami kung mayroon mang issues.
Anong nangyari sa aking Tinder purchases?
Habang nasa Belarus, hindi magagamit ng Tinder users ang subscriptions (gaya ng Tinder Gold) o consumables (gaya ng Super Likes at Boosts) simula February 15.
Kung nag-purchase ka ng 6 o 12-month subscription at lagpas ito sa February 15, hindi na ito magre-renew automatically, at makakapag-request ka rin ng refund sa pamamagitan ng instructions sa article na ito.
Kung mayroon kang unused consumables, pwede kang mag-request ng refund sa pamamagitan ng pagsunod sa instructions sa article na ito.
Paano ko ido-download ang aking data?
Pagkalipas ng February 15th, pwede kang mag-request ng copy ng iyong data sa pamamagitan ng pag-submit ng request sa aming contact form.