Hindi ina-allow ng Tinder ang anumang content na lumalabag sa copyright. Ang paggamit ng copyrighted materials nang walang permiso ay lumalabag rin sa policies ng Tinder.
Kung ang iyong copyright-protected na gawa ay nai-post sa Tinder nang walang authorization mula sa'yo, maaari kang mag-submit ng copyright takedown request.
Bago mag-submit ng takedown request, paki-consider ang mga sumusunod:
- Kung ang copyright exception tulad ng fair use o fair dealing ay naka-apply, ini-invalidate nito ang takedown request
- Ang copyright owner o ang legal representative nito lamang ang dapat na mag-submit ng requests
- Ang pagkakaroon ng false claims o maling paggamit ng takedown form ay maaaring mag-resulta sa suspension ng iyong Tinder account o iba pang legal na consequences
Alinsunod sa Digital Millenium Copyright Act (DMCA), ang lahat ng takedown requests na submitted gamit ang contact form ng Tinder ay nagre-require ng acknowledgement at acceptance ng mga sumusunod:
- Ang request ay ginawa in good faith
- Ang impormasyon na nasa request ay accurate
- Sa ilalim ng penalty of perjury, ang taong nag-file ng request na ito ay ang copyright holder o ang authorized representative ng copyright holder
Lastly, paki-prepare ang mga sumusunod na impormasyon bago mag-submit ng iyong request:
- Full name ng copyright owner
- Email address ng copyright owner
- Phone number ng copyright owner
- Mailing address ng copyright owner
- Ang uri ng content na na-infringe, kasama ang description ng content at kung saan ito located sa Tinder
Para mag-file ng copyright takedown request, paki-visit ang aming contact form.
Kung mas gusto mong mag-submit ng complaint sa email, mail, o phone, paki-send ang lahat ng nabanggit na impormasyon sa:
214-576-3272
Copyright Compliance Department c/o Match Group Legal
8750 N. Central Expressway, Suite 1400, Dallas, Texas 75231