Welcome sa komunidad ng Tinder. Kung ikaw ay totoo, mabait at magalang sa iba, parati kang malugod na tinatanggap. Kung piliin mong hindi maging ganito, baka hindi ka tumagal.
Ang aming layunin ay pahintulutan ang mga user na ma-express ang kanilang sarili sa malayang paraan basta't hindi ito nakakasama sa loob ng iba. Ang lahat ay dapat sumunod sa parehong standard na nasa Tinder.
Hinihiling namin sa iyong maging mapagbigay, mag-isip bago kumilos, at sumunod sa mga patnubay sa ating komunidad habang parehong online at offline.
Para balikan ang ating mga patnubay sa komunidad, bumisita sa aming website dito.