Kasama sa page na ito ang mahalagang impormasyon tungkol sa mga safety policy at reporting procedure ng Tinder, gaya ng inaatas ng batas ng Colorado. Tingnan din ang aming Community Guidelines, Terms of Use, at Safety Tips para sa karagdagang gabay kung paano mapananatiling ligtas at may respeto ang experience mo sa Tinder.
Ano ang policy ng Tinder tungkol sa sexual violence at iba pang conduct na nagbabanta sa public o personal safety?
Sa Tinder, committed kami sa paglikha ng ligtas at may respetong environment para sa lahat ng user. Hindi pinapayagan ng Tinder ang anumang uri ng harassment, sexual violence, stalking, o anumang conduct na nagbabanta sa personal o public safety, online man o offline.
Ang pagsasagawa ng sexual conduct sa ibang tao nang walang consent nila ay hindi lang labag sa mga tuntunin ng Tinder kundi labag din sa batas. Maaari itong humantong sa seryosong consequences, kabilang ang civil o criminal liability. Kung may criminal investigation, lubos kaming makikipagtulungan sa law enforcement.
Para sa mga karagdagang detalye tungkol sa mga patakaran ng Tinder, tingnan ang aming Community Guidelines at Terms of Use.
Paano ako makakapag-report ng conduct o content na sa tingin ko ay lumalabag sa guidelines ng Tinder?
Mabilis at madali kang makakapa-submit ng report gamit ang in-app reporting tool o sa pamamagitan ng pag-email sa amin.
Ang pagsa-submit ng mga maling report para sa malicious, biased, o iba pang hindi lehitimong dahilan ay paglabag sa aming Terms at maaaring humantong sa pag-aksyon laban sa account mo.
Vine-verify ba ng Tinder ang mga pagkakakilanlan ng users o nagsasagawa ba ito ng criminal background checks?
Nag-ooffer kami ng feature na photo verification at, sa ilang market, ng optional na feature sa pag-verify ng pagkakakilanlan. Sa ilang kaso, maaari naming hilingin sa isang user na dumaan sa photo verification process kung pinaghihinalaan naming hindi authentic ang isang account, na-compromise ito, o pagmamay-ari ito ng taong hindi eligible na gumamit ng aming services. Bagama't hindi kami nagsasagawa ng criminal background o identity check sa lahat ng user, maaari naming i-check ang impormasyon ng mga user laban sa mga state sex offender registry kapag mayroon kaming sapat na impormasyon para gawin ito. Ang mga account na napatunayang pag-aari ng mga rehistradong sex offender ay maba-ban.
Walang perpektong online na photo verification o background screening process, at hindi rin nito magagarantiyang ligtas ang isang tao. Laging maging maingat kapag nakikipagkilala sa mga bagong tao online o sa personal. Para sa iba pang advice para makatulong na manatili kang ligtas, tingnan ang aming Safety Tips.
Pwede bang gumamit ng Tinder ang mga indibidwal na nahatulan na para sa isang krimen?
Ipinagbabawal ng aming Terms ang paggamit ng aming services ng sinumang nahatulan o nag-plead ng no contest sa isang felony o anumang krimeng may kinalaman sa sexual misconduct o violence. Kung malaman naming may criminal history ang isang user na dahilan para hindi siya maging eligible na gumamit ng Tinder, bina-ban namin ang account niya.
Ano ang mangyayari sa user na nai-report dahil sa paglabag sa mga patakaran?
Sineseryoso namin ang lahat ng report ng misconduct. Agad naming nire-review ang mga report at, kung matukoy naming lumabag ang user sa aming Terms o Community Guidelines, gumagawa kami ng naaangkop na aksyon. Depende sa bigat ng paglabag, maaaring mula sa warning hanggang sa ban ang consequence. Ang mga paglabag na may kinalaman sa violence, threat of violence, sexual misconduct, o iba pang seryosong harmful behavior ay magreresulta sa ban sa Tinder at sa buong Match Group portfolio.
Nililimitahan namin ang impormasyong ibinabahagi namin tungkol sa mga report kung kinakailangan para protektahan ang safety o privacy ng mga reporter at iba pang involved na party.
May pagkakataon ang lahat ng user na iapela ang mga aksyong ginawa laban sa kanilang mga account. Makikita ang impormasyon tungkol sa proseso ng pag-apela dito.
Kapag nakatanggap ng report tungkol sa misconduct ng isang user, ino-notify ba ninyo ang mga naka-match ng user?
Bilang pagsunod sa batas ng Colorado, nagpapadala kami ng email notification sa mga user sa Colorado na nakipag-message sa isang member na bina-ban namin dahil sa alam o pinaghihinalaang fraudulent behavior. Ang “fraudulent behavior” ay behavior na, sa aming pagpapasya, nagpapahiwatig na may malaking risk na susubukan ng user na makakuha ng pera (o anumang bagay na may value) mula sa ibang user sa pamamagitan ng fraudulent na paraan, gamit ang false identity, o sa pagtatangkang dayain ang ibang user.
Kung hindi man, gaya ng nakasaad sa aming Privacy Policy, maaari lang naming i-disclose ang account information ng isang user sa mga limitadong sitwasyon, gaya kapag saklaw ito ng isang lawful subpoena o warrant o kung iniaatas ito ng batas.
Para sa iba pang impormasyon o support
Kasama sa “Resources” section ng aming Safety Tips page/Safety Center ang mga hotline at iba pang resources para sa mga survivor ng sexual violence, domestic violence, at iba pang krimen.
Para sa lokal na Colorado resources, tingnan ang:
- May Karapatan Ka CO: Impormasyon at resources para sa mga survivor ng sexual assault at sa kanilang mga pamilya.
- Violence Free Colorado: Resources at support para sa mga survivor ng domestic violence at sa kanilang mga pamilya.
- Crime Victim Services Directory: Isang komprehensibong directory ng services at resources para sa mga biktima ng krimen, advocate, at service provider sa buong Colorado.
- 1-844-493-TALK (8255): Isang 24/7/365 support line para sa sinumang apektado ng mental health, substance use, o emotional crisis.