Paano gumagana ang Photo Verification?
Paano ginagamit ang Photo Verification Information ko?
Anong papanatilihin niyo kapag kumpleto na ang Photo Verification?
Paano ko buburahin ang aking Photo Verification Data?
Sa anong legal authority nakapailalim ang pagproseso niyo ng Photo Verification information?
Ano ang iba pang verification features na available sa Tinder?
Nagkaproblema ka ba sa Photo Verification?
Ano ang maaari kong gawin kung may katanungan pa ako?
Ano ang Photo Verification?
Ang Photo Verification ay isang optional na proseso kung saan maipakikita mo na ang photos sa profile mo ay ikaw talaga sa pamamagitan ng pag-take ng isang video selfie. Kapag nag-take ka ng isang video selfie, ang iyong facial geometry, na maaaring i-consider bilang "biometric information" sa ibang lugar, ay gagamitin at iingatan para i-check ang profile photos mo, mabawasan ang panloloko, at masiguradong walang ibang profile ang gumagamit ng itsura mo. Pagkatapos ng isang successful Photo Verification, makakakuha ka ng isang bagong badge sa profile mo para ipakita sa ibang tao na nakumpleto mo ang Photo Verification process.
Sa Photo Verification, makikita mo rin kung nakumpleto ng ibang Tinder profiles ang Photo Verification process. Sa pamamagitan nito, mas magkakaroon ka ng informed decisions kung kanino ka dapat makipag-interact dito sa Tinder.
Importanteng tandaan na hindi guaranteed ng feature na ito ang identity o safety ng isang partikular na user. Palagi pa ring mag-ingat at i-review ang aming Dating Safety Tips bago makipagkita o mag-share ng personal details.
Paano gumagana ang Photo Verification?
Ang Photo Verification ay kasing simple lang ng pag-take ng isang quick video selfie. Makakakuha ka ng "Photo Verified" badge kapag nakapasa ka sa "liveness check" at kapag ang profile photos mo ay nagpapakita ng malinaw na solo face photo na match sa video selfie mo.
Ginagamit namin ang facial scanning technology para i-check kung ang video ay galing sa isang totoo at buhay na tao, at kung ito'y hindi digitally altered o manipulated (ang "liveness check"). Nade-detect din ng technology na ito ang iyong mukha sa video selfie at profile photos, at ginagamit ang facial geometry ("FaceMap") mo para mag-generate ng isang unique number ("FaceVector").
Ang data na nabuo at naproseso ng feature na ito (“Verification Data”) ay pinananatili para sa mga layuning nabanggit sa ibaba sa “Paano ginagamit ang aking Verification Data?”.
Paano ginagamit ang Photo Verification Information ko?
Sinusuri ang video selfie mo para masiguro na isa kang tunay na tao, at pagkatapos ay agad itong buburahin. Ang iyong FaceMap ay ginagamit upang makatulong na tignan kung ang tao sa video selfie mo ay ang parehong taong nasa profile photos mo, at ang iyong FaceVector ay ikinukumpara sa FaceVectors ng iba pang accounts upang masiguradong walang ibang profiles ang gumagamit ng itsura mo. Bilang paalala, ang Terms at Community Guidelines ng Tinder ay nagre-require sa users na isang account lamang at a time ang kanilang maaaring gamitin.
Maaari mo ring piliin na gamitin ang Verification Data mo para ma-access ang karagdagang optional features na gumagamit din ng parehong impormasyon.
Ang original video selfie mo ay hindi itinatago o inilalagay sa profile mo. Iniingatan namin ang dalawang audit images mula sa video selfie mo para sa pag-audit at pag-manage ng Photo Verification feature at pagkumpirma ng itsura mo.
Maaari rin kaming gumamit ng Verification Data kung kinakailangan para lutasin at siguraduhin ang maayos na paggana ng aming Face Check feature, o kung kinakailangan, para siguraduhin ang kaligtasan at seguridad ng aming serbisyo at mga user, hanggang sa pinahihintulutan ng naaangkop na batas.
Anong papanatilihin niyo kapag kumpleto na ang Photo Verification?
Ang Verification Data mo ay mananatili para patuloy naming maibigay ang Photo Verification service sa'yo habang binabago at ina-update mo ang iyong profile photos sa paglipas ng panahon, at para matulungan ding ma-detect kung ginagamit ng ibang accounts ang itsura mo. Para magawa ito, ang FaceMaps at FaceVectors ay pananatilihin hangga't active ang account mo, at buburahin mula sa aming systems pagkatapos ng 30 araw mula sa pagsasara ng account mo, maliban kung kinakailangan ang pagpapanatili para makasunod sa angkop na legal na obligasyon o para masiguro ang kaligtasan at seguridad ng aming serbisyo at mga user, hanggang sa pinahihintulutan ng angkop na batas.
Gaya ng nabanggit sa itaas, ang original video selfie mo ay hindi pinapanatili o idinaragdag sa profile mo, ngunit nagpapanatili kami ng dalawang audit images mula sa video selfie mo. Pananatilihin din namin ang resulta ng Photo Verification process (successful man ito o hindi) hanggang sa 90 araw matapos isara ang account mo (o 1 taon kung naka-ban ang account). Ang audit images ay iniingatan sa loob ng 90 araw pagkatapos ng pagsasara ng account mo, o hanggang sa tagal ng account ban, kung naaangkop.
Matatanggap ba ng mga third party ang aking data?
Ang Verification Data ay ibinabahagi lamang sa mga tagapagbigay serbisyo ng Tinder kung kinakailangan upang pamahalaan, lutasin, o tiyakin ang maayos na paggana ng aming Photo Verification feature. Ang Verification Data ay ligtas na nakalagay sa AWS servers ng Tinder.
Ang Tinder ay bahagi ng pamilya ng mga negosyo ng Match Group, at maaari naming ibahagi ang Verification Data sa aming Affiliates, na ayon lamang sa pinahihintulutan ng naaangkop na batas, upang gawing mas ligtas ang lahat ng Match Group services (hal. pagtukoy at pag-ban ng mga lumalabag na account).
US Residents: Hindi kami "nagbebenta" o "nagbabahagi" ng Verification Data, dahil ang terms na ito ay maaaring tukuyin ng applicable privacy law sa state mo.
Paano ko buburahin ang aking Photo Verification Data?
Maaari mong tanggalin ang iyong Verification Data sa pamamagitan ng pagbura ng Tinder account mo sa settings page ng app o sa account portal. Pagkatapos ay buburahin ang data tulad ng inilarawan sa itaas at alinsunod sa Privacy Policy ng Tinder. Upang matuto pa kung paano burahin ang iyong account, pumunta sa Delete Your Tinder Account.
Bakit kailangan kong burahin ang aking account para matanggal ang aking Verification Data?
Ang Photo Verified Badge ng Tinder ay isang magandang paraan para maipakita sa potential matches na ikaw talaga ang nasa pictures mo. Para masigurado na ang users ay hindi malilito o malilinlang kung ang matches nila ay Photo Verified pa rin, hindi namin pinapayagan ang users na burahin ang kanilang Verification Data (na siyang magdi-disable ng Photo Verification) nang hindi nire-reset ang matches nila at magsimula ulit sa isang regular, non Photo Verified account. Ang requirement na ito'y isinagawa para maiwasan ang pag-abuso sa Photo Verified Badge at masiguro ng ibang users na ang kanilang matches ay patuloy ang mayroong Photo Verified accounts.
Video Selfie Screenshots
Pwede kang mag-request ng deletion ng dalawang screenshots mula sa video selfie mo sa pamamagitan ng pagsulat sa aming Community team dito. Sa anumang pangyayari, ang impormasyong ito'y buburahin upon account closure, bilang pagsunod sa aming Privacy Policy.
Sa anong legal authority nakapailalim ang pagproseso niyo ng Photo Verification information?
Pinoproseso namin ang Verification Data nang may pahintulot mo.
Paano ko babawiin ang aking consent?
Maaari mong bawiin ang pahintulot na ibinigay mo para sa Photo Verification feature sa pamamagitan ng pagbura ng iyong Tinder account tulad ng inilarawan sa itaas.
Paano ako makakahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa data practices ng Tinder, kasama ang aking privacy rights?
I-visit ang aming Privacy Policy para malaman ang iba pang detalye tungkol sa aming privacy practices, kasama ang Your Rights section.
Ang mga residente ng California ay maaaring sumangguni sa California Privacy Statement ng Tinder.
Ano ang iba pang verification features na available sa Tinder?
Ang Photo Verification ay isang feature sa mga verification tools na ginagamit ng Tinder para madagdagan ang kaligtasan ng aming serbisyo. Kabilang sa ibang verification features ang:
- Opsyonal na proseso ang ID + Photo Verification na pinahihintulutan kang ipakita na ang photo sa iyong ID at ang iyong profile photos ay kamukha mo. Alamin pa.
- Face Check™, sa mga lugar kung saan required ito, ay sinasabihan ang users na kumpletuhin ang biometric Face Check scan na may video selfie para mas maging authentic na lugar ang Tinder. Alamin pa.
- Ang Photo Check ay isang authenticity check, na gumagana kapag naka-detect ito ng unusual activity, na magsasabi sa users na kumpletuhin ang liveness at Photo Verification process upang maipagpatuloy ang normal na paggamit ng Tinder. Alamin pa.
Nagkaproblema ka ba sa Photo Verification?
Kung nakararanas ka ng problema sa pag-capture ng video selfie mo, maaari kang mag-exit sa Photo Verification flow at magsimula ulit.Tingnan dito ang iba pang instructions sa paggamit ng feature na ito. Kung nakaranas ka ng anumang issue o kung may feedback ka tungkol sa Photo Verification, please feel free to contact us!
Ano ang maaari kong gawin kung may katanungan pa ako?
Contact us anytime!