Notice overview
May option ang Tinder users na i-add sa Tinder ang contact list sa kanilang device para magamit ang Friends in Common. Sa pamamagitan ng voluntary feature na ito, malalaman nila kung mayroon silang kaparehong contacts sa ibang Tinder users. Kaya naman kung nasa device contact list ka ng user na piniling gumamit ng Friends in Common, maaaring i-proseso ng Tinder ang phone number mo kahit hindi ka isang Tinder user.
Isinasaad ng notice na ito ang practices ng Tinder sa pag-collect, paggamit, at pag-iingat ng mga contact information ng third-party non-users, at nagbibigay ng impormasyon sa third-parties kung paano sila pwedeng mag-opt out na gamitin ang kanilang impormasyon bilang parte ng features ng Tinder.
Paano ginagamit ng Tinder ang contact information ng non-users
Paano gumagana ang Friends in Common
Ang Friends of Friends ay isang Tinder feature na kinakailangan ang paggamit sa contact list ng Tinder user. Kapag binigyan mo kami ng permiso na i-access ang contact list mo, kokolektahin namin ang phone number information mula sa kanilang contacts at iingatan namin ito. Tinitignan namin kung ang contacts na 'yon ay galing sa ibang Tinder users na pinili ring gumamit ng Friends in Common. Dito ay maaari na naming ma-display ang total number ng mutual connections mo at ng isa pang user na piniling gumamit ng Friends in Common. Ang total number ng connections lamang ang ipakikita at hindi ang mga pangalan ng individual connections.
Paano namin ginagamit ang impormasyon ng non-user
Ang ilan sa contact list ng isang Tinder user ay maaaring pagmamay-ari ng mga taong hindi gumagamit ng Tinder. Kapag na-detect namin na ang isang phone number ay hindi pagmamay-ari ng isang Tinder user, at maaaring pagmamay-ari ng isang non-user, gagawin namin itong cryptographic hash value na ginawa para maprotektahan ang identification ng Tinder non-users na ito. Ang paggawa sa number bilang cryptographic hash ay nangangahulugang hindi namin pinapanatili ang phone numbers ng non-users; ang cryptographic hash values lamang ang aming pinapanatili. Ang bawat hash value ay nasa isang list ng servers ng Tinder, at naka-link ito sa Tinder user(s) na nagbigay ng contact information. Ang hash value ay pananatilihin hangga't gumagamit ng Friends in Common ang Tinder user na nag-upload ng contact at hangga't nasa contact list nito ang phone number ng non-user. Kapag binura ng Tinder user ang kanyang account o mag-desisyon siyang umalis sa Friends in Common, ang hash value na kaugnay ng kanilang account ay mabubura din.
Hindi ginagamit ng Tinder ang nakukuhang contact information ng non-user sa iba pang purpose maliban sa Friends in Common feature, at ang impormasyong ito ay hindi naka-share sa iba pang Match Group entities. Bukod dito, kapag ang user ay nagbigay ng permiso na i-access ang kanyang contact list, phone numbers lamang ang aming kinokolekta; ang ibang impormasyon na nakalagay sa contact list ng user, gaya ng pangalan o email addresses, ay hindi namin kinokolekta.
Ikahuli, kung ang isang non-user ay nag-desisyong sumali sa Tinder, at sumali rin sa Friends in Common, ang phone number na ibinigay niya sa Tinder sa pag-sign up ay gagamitin para ma-unlock ang contact information na iningatan namin noon, para ma-connect siya sa iba pang Tinder users na gumagamit din ng Friends in Common at kung mayroon silang kaparehong contacts.
Mga option para sa non-users
Ang non-users na hindi gustong mapanatili ang kanilang impormasyon kaugnay sa paggamit ng isang Tinder user sa Friends in Common ay maaaring i-contact ang Tinder Support at mag-request na ilagay ang kanilang number sa block list, para masiguradong hindi magagamit sa Friends in Common feature ang kanilang impormasyon.
Kaibahan sa nasa itaas, dahil cryptographic hash values lamang ang aming pinapanatili kapalit ng phone numbers ng non-users, maaaring hindi namin makumpirma kung ang impormasyon mo nga ay nasa systems namin. Kaya naman ang kakayahan naming mag-respond sa data subject requests, kasama na ang requests sa access o sa right to rectification, ay maaaring maging limitado.