Dapat lamang na maramdaman ng lahat na ligtas sila sa pag-express ng kanilang sarili sa Tinder. Kaya naka-block ang mga pag-screenshot at pag-screen record ng profiles para sa users na nasa piling regions.
Paano ito gumagana
Una sa lahat, may ilang paraan para malaman kung protektado ka nito:
- Naka-note ito sa “Prioritize Safety” kapag nakumpleto mo ang onboarding.
- Makakakita ka ng note tungkol dito kapag nagdadagdag ka ng photos sa profile mo.
Kapag may sumubok na mag-screenshot o mag-screen record ng isang profile, pipigilan ng device nila na ma-capture ito. Automatic na naga-apply ang protection na ito, kaya wala kang kailangang i-on.
Tandaan: Magkaiba ang experiences sa Android at iOS. Naka-block na ang lahat ng pag-screenshot at pag-screen record sa Android, habang sa iOS naman ay naka-block lang ang pag-screenshot at pag-sceen record habang may ipinapakitang mga profile.
Top priority namin ang kaligtasan. Ngunit, tandaan na walang technology ang buong makakapigil sa pag-capture o pagbabahagi ng profile content, gaya na lang ng paggamit ng iba pang device. Pag-isipan nang mabuti ang photos at mga impormasyong inilalagay mo sa iyong profile.
Mga Komento
0 komento
Sarado ang artikulo para sa mga komento.