Ang kaligtasan ay laging priority sa Tinder. Sa ibang mga bansa, may additional safeguards na ina-apply sa services na para sa adults. Halimbawa, ang EU Digital Services Act, ang Online Safety Act ng UK, ang Social Media Minimum Age Act ng Australia, at ang Digital ECA ng Brazil ay nire-require ang online platforms na gumamit ng age assurance methods para maprotektahan ang mga kabataan online. Tinutulungan kami ng aming automated Age Check processes na masigurong ang lahat ng member ng Tinder ay adults, alinsunod sa batas at sa aming Terms of Use.
Basahin ang article na ito para sa mga detalye tungkol sa age assurance methods na ginagamit ng Tinder, at kung paano ginagamit at pinapanatili ang data mo para sa age assurance.
Age Check: Paano ine-estimate ng Tinder ang edad mo
Age Check Review: Ano ang ginagawa ng Tinder sa age estimate mo
Age Checks batay sa App Store profile
Age Check: Paano ine-estimate ng Tinder ang edad mo
Gumagamit ang Tinder ng iba't ibang age assurance methods (“Age Checks”) para tulungan kaming masiguro na ikaw ay at least 18 taong gulang. In general, kailangan namin ng at least isang photo na kasama ang iyong mukha para ma-estimate ang edad mo gamit ang automated technology. Ang Age Check process na nakikita mo ay maaaring mag-iba sa applicable legal requirements at guidance sa iyong region.
Kasalukuyan naming ginagamit ang mga sumusunod na mandatory age checks:
Alamin kung paano pa gumagana ang age checks na ito at kung paano nire-review ang iyong age estimate sa relevant sections sa ibaba. Kapag nakita mo ang age check, kailangan mo itong kumpletuhin para magkaroon ng full access sa Tinder. Hindi ka maaaring mag-send ng Likes o messages, at hindi makikita ng iba ang profile mo, hangga't hindi mo pa nakukumpleto nang successful ang age check.
Sa ilang regions, kabilang ang UK, maaaring kailangan mo ring kumpletuhin ang pangalawang ID Verification check. Kung makikita mo ang ID verification, kailangang kumpletuhin ito upang ma-access ang Tinder. Alamin ang iba pang detalye sa ibaba.
Bukod pa rito, sa ilang regions, maaari kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa edad na ibinibigay ng Apple App Store o Google Play Store para mapigilan ang sinumang hindi pa 18 taong gulang sa pag-access ng aming service. Alamin ang iba pang detalye sa ibaba.
Age Check: Face Photo Upload
Applicable Region(s): Australia, UK
Kung ikaw ay nasa regions na ito, kailangan mong mag-upload ng at least isang malinaw na photo ng iyong mukha sa profile mo para makumpleto namin ang proseso ng age check. Tinutulugan kami nitong kumpirmahin kung pasok ka sa minimum age requirement para magamit ang Tinder, alinsunod sa batas at sa aming Terms of Use. Gagamit kami ng automated technology para makumpirma na ang at least isa sa iyong profile photos ay solo photo mo at para ma-detect ang iyong mukha. Kapag hindi kami naka-detect ng isang solo face photo, sasabihan kang mag-upload ng isa.
Sinusuri ng aming automated technology ang uploaded face photo(s) mo para ma-estimate kung ikaw ay 18 pataas na o hindi pa. Tingnan ang iba pang detalye sa ibaba.
Age Check: Face Check™ Scan
Applicable Regions: Australia, Brazil, UK
May ilalabas kaming requirement kung saan ang bagong users ay kailangang kumpletuhin ang isang biometric Face Check scan sa pamamagitan ng video selfie para maging mas authentic na lugar ang Tinder. Kapag gumawa ka ng video selfie, gumagamit kami ng facial scanning technology para ma-check kung ang video ay kuha ng isang totoo at buhay na tao, at kung hindi ito digitally altered o manipulated. Ang facial geometry mo, na maaaring ituring bilang "biometric information" sa ibang lugar, ay gagamitin at papanatilihin para ma-check ang iyong profile photos, maiwasan ang panloloko, at tulungang masiguro na walang ibang profile ang gumagamit ng itsura mo.
Tinutulungan din kami ng Face Check na i-estimate ang edad mo. Kumukuha at nagpapanatili kami ng dalawang audit images - screenshots - mula sa iyong video selfie, na sinusuri gamit ang automated technology para i-estimate kung ikaw ay 18 pataas o higit pa. Tingnan ang iba pang detalye sa ibaba.
Pagkatapos mong makumpleto ang video selfie mo at ma-upload ang isang malinaw na solo face photo na match sa iyong mukha sa video selfie, automatic kang makakatanggap ng Photo Verified badge. Alamin pa kung paano pinoproseso ng Face Check ang data mo rito.
Age Check: Video Selfie
Applicable Region(s): European Economic Area + Switzerland
Kung nakatira ka sa EEA o Switzerland, kailangan mong gumawa ng video selfie. Maaari mong payagan ang Tinder na gamitin ang iyong video selfie para lamang makumpleto ang age check; maaari ka ring magbigay ng pahintulot na sabay gagamitin ang video selfie mo para kumpletuhin ang Photo Verification, bilang karagdagan sa mandatory age check. Tandaan na ang term na “Face Check” ay tumutukoy sa optional na proseso ng Photo Verification.
Age Check lang: Kung papayagan mo ang Tinder na gamitin ang iyong video selfie para sa age check mo, gagamit kami ng facial scanning technology para i-check kung ang video ay kuha ng isang totoo at buhay na tao, at kung ito'y hindi digitally altered o manipulated. Kumukuha at nagpapanatili kami ng dalawang audit images - screenshots - mula sa video selfie mo, na sinusuri gamit ang automated technology para i-estimate kung ikaw ay 18 pataas o higit pa. Tingnan ang iba pang detalye sa ibaba.
Age Check at optional Photo Verification: Ang Photo Verification ay isang optional na proseso kung saan maaari mong ipakita na ikaw ang nasa photos sa iyong profile sa pamamagitan ng paggawa ng video selfie. Kapag gumawa ka ng video selfie, ang facial geometry mo, na maaaring ituring bilang "biometric information" sa ibang lugar, ay gagamitin at pananatilihin para ma-check ang iyong profile photos, maiwasan ang panloloko, at tulungang ma-detect na walang ibang profiles ang gumagamit ng itsura mo. Ang edad mo ay ie-estimate rin gaya ng nabanggit sa itaas.
Pagkatapos ng successful na Photo Verification, makakakuha ka ng bagong verification badge para maipaalam sa mga tao na nakumpleto mo na ang Photo Verification process. Basahin ang aming Photo Verification article para sa buong detalye kung paano pinoproseso ang data mo.
Tandaan: Kapag pinayagan mo ang Tinder na gamitin ang video selfie mo para kumpletuhin lang ang iyong age check, hindi ka maaaring makatanggap ng Photo Verified badge. Kung gusto mong makatanggap ng Photo Verified badge, kumpletuhin din ang Photo Verification kapag natapos mo na ang iyong age check, o gawin na lang ito sa ibang pagkakataon sa pamamagitan ng pag-access sa feature sa Edit Profile.
Age Check Review: Ano ang ginagawa ng Tinder sa age estimate mo
Ang face photo(s) mo o audit images ay sinusuri ng automated technology para malaman kung ikaw ay at least 18 taong gulang.
- Kung natukoy naming 18 pataas ang edad mo, makakatuloy ka sa paggamit ng Tinder as usual.
- Kung hindi namin makumpirma ang iyong edad o matukoy na ikaw ay hindi pa 18, ire-review ang account mo ng isang trained agent para sa manual review. Maaari kaming mag-request ng karagdagang verification, tulad ng ID Verification check.
- Kung nalaman sa manual review na 18 pataas ka na, maitutuloy mo ang paggamit ng Tinder as usual.
- Kapag nakita sa manual review na ikaw ay hindi pa 18, maba-ban ang account mo. Para magamit ang Tinder, kailangan mong mag-submit ng appeal, gaya ng nakasaad sa ibaba.
Maaari kang sabihan na kumpletuhin ang ID verification check kung hindi namin makumpirma ang iyong edad o kung nire-require ng applicable na batas. Alamin ang ibang detalye tungkol dito sa ibaba.
Kung ang account mo ay kasalukuyang nire-review, hindi makikita ng ibang users ang iyong profile at magiging limitado ang functionality mo hanggang sa matapos ang review.
Ang mga resulta ng pagtukoy ng edad mo ay maaaring makatulong sa pagsasanay ng ilang partikular na machine learning models na sumusuporta sa aming trust and safety tools, pati na rin sa pag-test at pag-audit ng models at tools.
ID Verification Checks
Pagkatapos kumpletuhin ang iyong Age Check, maaari ka ring sabihan na kumpletuhin ang ID Verification Check alinsunod sa applicable legal requirements at guidelines (tulad ng sa UK). Maaari ka rin naming sabihan na kumpletuhin ang ID Verification Check para tulungan kaming makumpirma na at least 18 ka na.
Tinutulungan kami ng ID Verification check na makumpirma kung pasok ka sa applicable age requirements at makita kung match ka sa ID photo mo. Hindi mo maaaring ma-access ang Tinder hangga't hindi mo nakukumpleto successfully ang ID Verification check.
Pagkumpleto ng ID verification check
Kung kailangan, may dalawa kang option para kumpletuhin ang ID Verification check.
Automated Review (pinakamabilis na proseso): Kailangan mong i-upload ang harap at likod ng isang valid government-issued ID document. Automatic na iche-check ng technology ng Tinder kung:
- Ang pinanatiling FaceMap mo mula sa iyong Face Check scan ay match sa mukha sa ID photo mo; at
- Ang date of birth sa ID ay match sa Tinder profile info mo at nagpapakita na ikaw ay at least 18 taong gulang. Iu-update ang date of birth mo at edad sa Tinder kung may hindi pagkakatugma.
Manual Review (umaabot hanggang 24 oras): Kailangan mong i-upload ang harap at likod ng isang valid government-issued ID document. Nire-redact ng aming tech ang ID mo para ang ID photo at ang date of birth lamang ang makikita, at ipinapadala ito sa isang trained human agent para i-review. Iche-check manually ng agent kung:
- Match ang ID photo mo sa profile photo(s) mo at audit image(s) mo; at
- Ang date of birth sa ID ay match sa Tinder profile info mo at nagpapakita na ikaw ay at least 18 taong gulang. Iu-update ang date of birth mo at edad sa Tinder kung may hindi pagkakatugma.
Tandaan na maaaring umabot nang hanggang 24 oras ang proseso ng manual review.
Kung nakapasa ka sa ID verification check, maa-unlock ang account mo. Kung hindi, maba-ban ang iyong account. Para magamit ang Tinder, kailangan mong mag-submit ng appeal, gaya ng nakasaad sa ibaba.
Paano hina-handle ng Tinder ang ID verification check data mo
Ang results ng ID verification check (hal., successful man o hindi) ay papanatilihin hanggang 90 araw matapos isara ang account mo (o 1 taon kung ang account ay naka-ban).
Nagpapanatili kami ng redacted copy ng ID mo sa loob ng 30 days para tulungang i-audit at i-troubleshoot ang ID Verification check process. Pinananatili rin namin ang photo at date of birth mula sa iyong ID hangga't active ang account mo para tulungang mag-audit at mag-troubleshoot, magsilbing ebidensya ng pagsunod sa aming legal obligations, at i-display ang edad mo sa iyong Tinder profile. Kung in-update ang date of birth mo habang isinasagawa ang ID Verification check, papanatilihin namin ang naunang date of birth sa loob ng limited time para tulungang mag-audit, mag-troubleshoot, at sagutin ang user inquiries.
Pinapanatili ang FaceMap mo gaya ng nabanggit sa Face Check ng Tinder at sa Privacy Policy.
Age Checks batay sa App Store profile
Applicable Regions: Brazil, United States: Texas
Kung applicable, ginagamit namin ang impormasyon tungkol sa edad na ibinigay ng Apple App Store o Google Play Store para mapigilan ang sinumang hindi pa 18 taong gulang na ma-access ang aming service.
Para sa bagong users: Pagkatapos i-share ang location mo sa onboarding, sasabihan kang i-share ang iyong Age Range, base sa Apple o Google Play Store account mo, para kumpirmahing ikaw ay higit 18 taong gulang na. Hindi ibabahagi sa Tinder ang specific na edad at birthday mo. Kung ide-decline mo ang pag-share ng iyong age range sa Tinder, hindi ka maaaring gumawa ng Tinder account.
Kung ikaw ay nasa isa sa regions na nakalista sa itaas at higit 18 taong gulang na ngunit hindi makagawa ng account, tingnan ang app store settings mo para masigurong:
- Tama ang date of birth mo
- Walang parental supervision ang account mo, at
- Naka-enable ang age information sharing.
Kapag updated na ang Settings mo, bumalik sa Tinder at subukan ulit.
Tandaan: Pagkatapos makumpirma ang age range mo gamit ang iyong impormasyon mula sa App Store, maaari kang i-require na kumpletuhin ang isa sa age checks na nakasaad sa itaas alinsunod sa naaangkop na batas.
Pag-apela sa age assurance
Kung na-ban ang account mo dahil sa pagiging underage at sa tingin mo'y pagkakamali ito, maaari mong i-appeal ang decision sa aming Appeals Center.
Kung ikaw ay residente ng Australia at gusto mo ng iba pang paraan bukod sa pag-submit ng government-issued ID kapag nag-appeal sa age-related ban, i-contact kami para mag-request ng additional review sa account mo ng isang moderator sa halip na ibigay ang iyong ID.
Paano iniingatan ang data mo
Ang results mula sa Age Check mo ay itatago sa isang secure na format sa loob ng 1 taon. Ang iyong audit images, photo(s), at moderation records ay pinoproseso alinsunod sa Privacy Policy ng Tinder. Ibig sabihin nito, pananatilihin ng Tinder ang audit images at photos mo hangga't active ang iyong account (kasama na ang applicable na retention period pagkatapos ng account closure o ban), makikita pa rin ang photos sa iyong profile hanggang sa palitan mo ang mga ito, at ang moderation records ay mananatili hangga't active ang account mo (kasama na ang applicable na retention period pagkatapos ng account closure o ban). Hindi ilalagay ang audit images sa profile mo.
Tingnan kung Paano hina-handle ng Tinder ang ID verification check data mo sa itaas para sa mga detalye kung paano pinapanatili ng Tinder ang ID verification data.
Ang data mo ay secure na nakatago sa Amazon Web Services (AWS). Ang technology na ginagamit para ma-estimate ang edad ay pagmamay-ari ng Match Group. Kung gusto mong malaman ang iba pang impormasyon kung paano hina-handle ng AWS ang data, maaari mong i-click ito.
Data practices ng Tinder
Puntahan ang aming Privacy Policy para matuto pa tungkol sa aming privacy practices, kabilang na ang Your Rights section. Para sa iba pang mga impormasyon tungkol sa automated decision-making sa Tinder, tingnan ang aming Privacy FAQ.
May mga katanungan ka pa ba?
I-contact kami anumang oras.