Paano gumagana ang Photo Verification?
Paano ginagamit ang Photo Verification Information ko?
Anong papanatilihin niyo kapag kumpleto na ang Photo Verification?
Paano ko buburahin ang Photo Verification Information ko?
Sa anong legal authority nakapailalim ang pagproseso niyo ng Photo Verification information?
Nagkaproblema ka ba sa Photo Verification?
Ano ang maaari kong gawin kung may katanungan pa ako?
Ano ang Photo Verification?
Ang Photo Verification ay isang optional na proseso kung saan maaari mong ipakita na ang photos sa profile mo ay totoong ikaw. Pagkatapos ng successful Photo Verification, makakakuha ka ng bagong badge sa profile mo para maipakita sa iba na nakumpleto mo ang Photo Verification process.
Sa Photo Verification, makikita mo rin kung nakumpleto ng ibang Tinder profiles ang Photo Verification process. Sa paraang ito, mas magkakaroon ka ng informed decisions tungkol sa kung kanino ka dapat makipag-interact dito sa Tinder.
Paano gumagana ang Photo Verification?
Ang Photo Verification ay kasing simple lang ng pagkuha ng isang video selfie. Makakakuha ka ng "Photo Verified" status kung ang taong nasa video selfie mo ay nakapasa sa Liveness Check at 3D Face Authentication components ng proseso.
Ang Liveness Check ay nagde-detect ng mukha sa video mo at tumutulong malaman kung ang video ay galing sa totoo at buhay na tao, at kung ito'y hindi digitally altered or manipulated. Ang 3D Face Authentication ay nagde-detect ng mukha mula sa video selfie at profile photos mo, at gumagamit ng facial geometry data para mag-generate ng isang unique number o facial geometry "template." Ang templates na ito'y ginagamit para matingnan kung ang taong nasa video selfie ay kapareho sa taong nasa profile photos mo.
Ang iyong facial geometry data, na kinikilala bilang isang biometric data sa ibang lugar, ay papanatilihin hangga't active ang account mo para sa mga layunin na nakalagay sa Paano ginagamit ang aking Photo Verification Information?. Ang iyong video selfie ay buburahin pagkatapos makumpirma ang Photo Verification at hindi ilalagay sa profile mo, ngunit magpapanatili kami ng dalawang screenshots mula sa video selfie mo para sa pag-audit at pag-manage ng feature na ito.
Paano ginagamit ang Photo Verification Information ko?
Ang iyong facial geometry data ay ginagamit lamang para sa mga layunin ng Photo Verification. Ang video selfie mo ay hindi papanatilihin, at buburahin agad pagkatapos mong makumpleto ang Photo Verification. Ang dalawang screenshots na kinuha namin mula sa video selfie mo ay ginagamit lamang para sa pag-audit at pag-manage ng feature na ito.
Para maisagawa ang Photo Verification process, iniingatan at ginagamit namin ang iyong facial geometry data at screenshots sa aming Amazon Web Services (AWS) instances. Ang information at screenshots na ito'y binubura mula sa aming AWS instances ayon sa timeframes na nakalagay sa ibaba, sa ilalim ng What will you keep after Photo Verification is complete?. Kung gusto mong malaman ang iba pang detalye tungkol sa privacy practices ng AWS, i-click ito.
Anong papanatilihin niyo kapag kumpleto na ang Photo Verification?
Ang iyong facial geometry information ay pinapanatili pagkatapos ng unang verification para patuloy naming maibigay ang Photo Verification service sa'yo habang inu-update mo ang iyong profile photos over time. Para magawa ito, ang facial geometry data mo ay papanatilihin hangga't active ang account mo, at buburahin sa aming systems sa loob ng 30 days matapos mong isara ang iyong account, alinsunod sa aming Privacy Policy.
Magpapanatili rin kami ng dalawang screenshots mula sa video selfie process. Pinapanatili namin ang impormasyon na ito hangga't active ang iyong account para i-audit at i-manage ang aming Photo Verification feature. Papanatilihin din namin ang results ng Photo Verification process (i.e., successful man o hindi) hanggang sa isara mo ang iyong Tinder account, o hanggang sa magsara ang Tinder account mo pagkatapos ng dalawang taon ng inactivity. Gaya ng nabanggit sa itaas, hindi namin pinapanatili ang video selfie mo, na siyang binubura pagkatapos mong makumpleto ang Photo Verification process.
Paano ko buburahin ang Photo Verification Information ko?
Kasama sa Photo Verification Information ang iyong facial geometry data (ang facial 'template' na ginagamit para makumpleto ang verification check) at ang video selfie screenshot mo. Tignan ang impormasyon sa ibaba kung paano mabubura ang dalawang types of data na ito.
Facial Geometry Data
Pwede mong burahin ang facial geometry data mo sa pamamagitan ng pagbura sa iyong Tinder account sa settings page ng app.
Bakit kailangan kong burahin ang aking account para matanggal ang aking facial geometry data?
Ang Photo Verified Badge ng Tinder ay isang magandang paraan para maipakita sa potential matches na ikaw talaga ang nasa pictures mo. Para masigurado na ang users ay hindi malito o malinlang kung ang matches nila ay Photo Verified pa rin, hindi namin pinapayagan ang users na burahin ang kanilang facial geometry data (na siyang magdi-disable ng Photo Verification) nang hindi nire-reset ang matches nila at nagsisimula ulit sa isang regular, non Photo Verified account. Ang requirement na ito'y isinagawa para maiwasan ang pag-abuso sa Photo Verified Badge at masigurong ang ibang users pwedeng makampante na ang kanilang matches ay patuloy ang pagkakaroon ng Photo Verified accounts.
Video Selfie Screenshots
Pwede kang mag-request na burahin ang dalawang screenshots mula sa video selfie mo sa pamamagitan ng pagsulat sa aming Community team dito. Sa anumang pangyayari, ang impormasyon na ito'y buburahin kapag sinara ang account, alinsunod sa aming Privacy Policy.
Sa anong legal authority nakapailalim ang pagproseso niyo ng Photo Verification information?
Pinoproseso namin ang Photo Verification Information nang may pahintulot mo.
Paano ako makakahanap ng karagdagang impormasyon tungkol sa data practices ng Tinder, kasama ang aking privacy rights?
Puntahan ang aming Privacy Policy para matuto pa tungkol sa aming privacy practices, kasama ang Your Rights section.
Nagkaproblema ka ba sa Photo Verification?
Kung nakararanas ka ng problema sa pag-capture ng video selfie mo, pwede mong i-exit ang Photo Verification flow at magsimula ulit. Tingnan dito ang iba pang instructions sa paggamit ng feature na ito. Kung nakaranas ka ng anumang issue o kung may feedback ka tungkol sa Photo Verification, please feel free to contact us!
Ano ang maaari kong gawin kung may katanungan pa ako?
Contact us anytime!