Paano gumagana ang ID + Photo Verification
Accepted forms ng IDs para sa ID check
Paano ginagamit ang ID + Photo Verification information ko
Anong information ang iniingatan pagkatapos makumpleto ang ID + Photo Verification
Paano burahin ang aking ID + Photo Verification information ko
RSO checks para sa US residents
Mayroon pa akong mga katanungan
Ang ID + Photo Verification ay isang optional na proseso kung saan maaari mong patunayan na ikaw ang nasa photo sa ID mo at sa kahit isang profile photo mo. Kapag tapos ka na, makakakuha ka ng bagong badge sa profile mo para ipakita sa mga tao na kumpleto na ang iyong ID + Photo Verification process.
Makikita mo rin kung nakumpleto na ng ibang Tinder profiles ang optional process na ito. Sa pamamagitan nito, mas magkakaroon ka ng informed decisions kung kanino ka dapat makipag-interact dito sa Tinder. Importanteng tandaan na hindi guaranteed ng feature na ito ang validity ng ID o ang kaligtasan ng isang partikular na user. Palagi pa ring mag-ingat at i-review ang aming Safety Tips bago makipagkita o mag-share ng personal details sa potential match.
Note: Ang ID + Photo Verification ay available lamang sa ilang tao sa piling test markets, sa iOS, Android, at tinder.com.
Paano gumagana ang ID + Photo Verification
Ang ID + Photo Verification ay may dalawang steps: (1) Photo Verification, at (2) ID Check. Kung nauna mo nang makumpleto ang Photo Verification, hindi mo na kailangang umulit sa unang step. Kapag tapos na sa parehong steps, makatatanggap ka na ng blue check mark sa profile mo.
- Ang Photo Verification step ay magsisimula sa pag-scan ng mukha na nasa video selfie mo. Matutulungan kami nitong malaman kung totoo, at buhay na tao ang kumuha ng video, at hindi ito binago o na-manipulate digitally. Kapag nag-video selfie ka, ang iyong facial geometry, na maaaring "biometric information" para sa iba (tinatawag na "Verification Data" rito) ay gagamitin at pananatilihin para i-check ang iyong profile photos, bawasan ang panloloko, at siguraduhing walang ibang profile ang gumagamit ng itsura mo. Ang data na ito ay ginagamit din para tignan kung ang tao sa video selfie mo ay iisa lamang sa nasa ID photo at sa kahit isa sa profile photo mo. Papanatilihin ang facial geometry data mo hangga't active ang iyong account para mapanatili ang ID + Photo badge mo, na isang paraan para ma-update at mabago ang profile photos mo nang hindi naaalis ang iyong badge. Ang video selfie mo ay mabubura at hindi ilalagay sa profile mo, ngunit magpapanatili kami ng dalawang screenshots mula sa iyong video selfie para sa auditing at managing purposes sa feature na ito.
- Nakapailalim sa ID Check step ang pag-check ng Tinder sa uploaded government-issued identification document. Titignan ng tool na ito kung ang photo sa ID ay match sa mukha ng nasa video selfie mula sa Photo Verification step at sa kahit isang profile photo. Kapag nakumpleto mo na ang Photo Verification, titignan ang photo sa ID at pagkukumparahin ito sa iyong stored facial recognition information, at hindi ka na hihingian ng panibagong video selfie. Titignan din ng Tinder kung ang date of birth sa ID ay lagpas 18 na, at kung match ito sa impormasyon na nasa profile mo. Kung hindi nag-match ang impormasyon, ang date sa profile mo ay iu-update gamit ang information mula sa submitted ID. Pananatilihin ang isang redacted photo ng ID mo hangga't active ang iyong account para ma-audit ang feature na ito. Pananatilihin din namin ang pangalan sa ID hangga't active ang account para sa pag-audit at pag-validate ng verification.
Para sa iba pang detalye kung paano ginagamit, itinatago, at binubura ang information sa itaas, tignan ang sections sa ibaba.
Accepted forms ng IDs para sa ID check
Para sa ID check step ng aming ID + Photo Verification process, tumatanggap kami ng iba't ibang government-issued photo identification documents (IDs). Kabilang sa supported photo IDs ang karamihan sa driver's licenses, passports, at national ID cards.
Sa pag-submit ng iyong ID, siguraduhing full view at malinaw na naipakikita ang photo, pangalan, at date of birth.
Paano ginagamit ang aking ID + Photo Verification information
Ginagamit namin ang nakolektang data sa pagproseso ng request mo para sa ID + Photo Verification. Para isagawa ang Photo Verification process, ginagamit namin ang facial geometry information mula sa video selfie mo at sa kahit isang profile photo. Para isagawa ang ID Check process, ginagamit namin ang photo, pangalan at date of birth mula sa ID mo, at ang redacted screenshot ng harap ng iyong ID card. Tignan ang "Paano gumagana ang ID + Photo Verification" sa itaas para sa detalyadong impormasyon kung paano ginagamit ang nabanggit na impormasyon para maisagawa ang feature. Kung ikaw ay nasa United States at nagsagawa ng aming ID Verification process, ang iyong impormasyon ay gagamitin din sa registered sex offender (RSO) check (tignan ang Required background checks para sa US residents).
Anong information ang iniingatan pagkatapos makumpleto ang ID + Photo Verification
Para sa Photo Verification step, pananatilihin namin ang dalawang screenshots mula sa video selfie mo hangga't active ang iyong account para i-audit at i-manage ang Photo Verification portion ng feature na ito. Pananatilihin din namin ang facial geometry information mula sa iyong video selfie hangga't active ang iyong account para mapanatili mo ang iyong ID + Photo Verified badge kapag nag-update o nagbago ka ng profile photos.
Para sa ID Check step, pananatilihin namin ang kopya ng iyong photo, pangalan, at ng redacted photo ng harap ng ID mo hangga't active ang iyong account para i-audit ang feature na ito. Ang redacted photo ng ID mo ay nagpapakita lamang ng impormasyong nabanggit sa itaas sa "Paano ginagamit ang ID + Photo Verification information ko," at hindi ipinakikita ang iba pang impormasyon gaya ng address, pisikal na katangian, at ID number o barcodes.
Papanatilihin din namin ang resulta ng overall na proseso (i.e., successful man o hindi).
Iniingatan namin ang mga impormasyon sa itaas sa aming Amazon Web Service (AWS) servers. Kung gusto mo pang matuto tungkol dito, tignan ang privacy practices ng AWS. Hindi namin ibinabahagi sa kahit anong third parties ang facial geometry information at screenshots mo.
Kapag sarado na ang account mo, ang mga impormasyon sa itaas ay mabubura alinsunod sa aming Privacy Policy.
Paano burahin ang aking ID + Photo Verification information ko
Ang ID + Photo Verification Information ay naglalaman ng iyong (1) facial geometry data (ang facial 'template' na ginagamit para makumpleto ang Photo Verification check), (2) impormasyon mula sa ID mo gaya ng nabanggit sa itaas, (3) redacted copy ng harap ng ID mo, at (4) screenshots ng video selfie mo. Tignan sa ibaba ang impormasyon kung paano burahin ang mga ganitong klase ng data.
Facial Geometry Data
Pwede mong burahin ang iyong facial geometry data sa pamamagitan ng pag-delete ng iyong Tinder account sa pamamagitan ng settings page ng app.
Bakit kailangan kong burahin ang account ko para mabura ang data na ito?
Ang ID + Photo Verified Badge ng Tinder ay isang magandang paraan para maipakita sa potential matches na ikaw talaga ang nasa profile pictures at photo sa ID mo. Para masigurado na ang users ay hindi malito o malinlang kung ang matches nila ay Photo Verified pa rin, hindi namin pinapayagan ang users na burahin ang kanilang facial geometry data (na siyang magdi-disable ng ID + Photo Verification) nang hindi nire-reset ang kanilang matches at nagsisimula ulit sa isang regular, unverified account. Ang requirement na ito ay naglalayong mapigilan ang pag-abuso sa ID + Photo Verified badge at para masiguradong panatag ang users kung maintained ng kanilang matches ang ID + Photo Verified accounts.
Kapag isinara mo ang account mo, ang impormasyon sa itaas ay mabubura alinsunod sa aming Privacy Policy.
Ang data na galing sa ID, at ang Redacted Copy ng ID
Pinananatili namin ang impormasyong nakuha sa ID mo (na detalyadong ipinapaliwanag sa itaas sa "Anong information ang pinananatili pagkatapos makumpleto ang ID + Photo Verification") para mapanatili ang iyong ID verification.
Nagpapanatili rin kami ng redacted copy ng ID mo hangga't active ang iyong account para i-audit ang feature na ito. Ang redacted photo ng ID mo ay nagpapakita lamang ng impormasyong nabanggit sa itaas sa "Paano ginagamit ang ID + Photo Verification information ko," at binubura na ang iba pang impormasyon gaya ng address, pisikal na katangian, at ID number o barcode.
Kung gusto mong mabura ang impormasyong nakuha sa ID mo, o ang redacted ID, maaari mong burahin agad ang account mo gaya ng nabanggit sa itaas. Kinakailangan burahin ng users ang kanilang accounts at magsimula ulit gamit ang unverified account, sa parehong rason na nabanggit sa itaas.
Video Selfie Screenshots
Maaari kang mag-request na burahin ang dalawang screenshots mula sa video selfie mo sa pamamagitan ng pagsulat sa aming Support team. Sa anumang pagkakataon, mabubura ang impormasyon kapag isinara na ang account, alinsunod sa aming Privacy Policy.
RSO checks para sa US residents
Kung ikaw ay nasa United States at nagsagawa ng aming ID Verification process, ang iyong impormasyon ay gagamitin sa registered sex offender (RSO) check. Kapag binigay mo ang iyong US ID, magsasagawa ang Tinder ng RSO check gamit ang isang third party service provider. Ang mga sumusunod na impormasyon ay ibinabahagi sa site na ito para maisagawa ang check:
- First Name, Middle, and Last Name
- Date of Birth
Kung may nahanap na impormasyon sa pamamagitan ng check na ito, ang account mo ay sasailalim sa manual review at ang aming team ay gagawa ng aksyon ayon dito. Para sa karagdagang impormasyon, tignan ang aming Terms of Service.
Ang prosesong ito ay tinutulungan kaming magpanatili ng mas ligtas na environment sa Tinder.
Note: Ang RSO checks ay kasalukuyang hindi isinasagawa sa Maine dahil sa legal restrictions.
Alamin ang iba pang information tungkol sa data practices ng Tinder, kasama na ang aking privacy rights
Pumunta sa aming Privacy Policy para matuto pa ng tungkol sa aming privacy practices, kasama na ang Your Rights section.
Mayroon pa akong mga katanungan
Contact us anytime!