Ang Photo Enhance ay isang tool na layuning tulungan kang pagandahin ang technical quality ng profile photo mo. Ginawa ito para i-enhance ang overall photo quality - halimbawa, para gawing mas malinaw at mas maliwanag ang profile photo mo. Ang Photo Enhance ay tine-test sa piling markets para sa Android at iOS users.
Pag-access sa Photo Enhance
Kung may available kang bagong photo enhancement, makakatanggap ka ng notification sa loob ng app para ipaalam ito sa'yo.
Hindi mo makikita ang Photo Enhance Suggestions sa Edit Profile kung walang ma-detect na technical issues, kaya hindi ka palaging makakatanggap ng notifications. Kung gusto mong i-check manually, makikita mo kung may available na enhancement para sa alinman sa photos mo sa pamamagitan ng pagsunod sa steps na ito:
- Buksan ang Tinder at pumunta sa profile mo
- I-tap ang Edit sa ilalim ng My Photos
- Kung eligible ang isa sa mga photo mo, makakakita ka ng icon na enhance sa photo na iyon kapag binuksan mo ito
- I-tap ang icon para i-review ang enhanced na version at idagdag ito sa iyong profile kung gusto mo
Paggamit ng Photo Enhance
Makatutulong ang Photo Enhance na ayusin ang mga isyu tulad ng malabong images, mababang brightness o exposure, at hindi malinaw. Pwede mong i-review ang na-enhance mong photo at magdesisyon kung aalisin ito o pananatilihin sa iyong profile. Maaari mo itong ibalik sa original photo mo anumang oras sa pamamagitan ng pag-access sa Photo Enhance gaya ng nabanggit sa itaas. Kung hindi mo gagamitin ang Photo Enhance suggestion, bibigyan ka ng option na magbigay ng feedback tungkol sa tool na ito.
Tandaan, kahit ginawa ang tool na ito para tulungan ka, ikaw pa rin ang responsable sa kung anong pipiliin mong i-upload, kasama na ang photos na pipiliin mong i-upload ay sumusunod sa aming Terms of Use at Community Guidelines.
Privacy at Safety kapag ginagamit ang Photo Enhance
Ginawa ang Photo Enhance para ma-detect ang mga isyu sa quality ng photo at mag-suggest ng targeted improvements sa photo characteristics gaya ng brightness at saturation (at iba pa) para mapaganda ang photo quality. Kasama rin sa Photo Enhance ang automatic na pag-check para kumpirmahin na mukha mo pa rin ang in-enhance na photo para mapanatili ang authenticity at maipakita ang totoong ikaw. Ngunit, tine-test pa rin ang feature na ito at mahalaga ang opsyonal na feedback na nabanggit sa itaas para matulungan kaming mapabuti pa ito sa paglipas ng panahon. Papanatilihin namin pareho ang in-enhance na photo at ang orihinal na photo para maibalik mo ito anumang oras.